#1

18.6K 430 14
                                    

Nakaupo ako sa gilid ng bintana habang nakatanaw sa kawalan. Madilim ang kalangitan at tanging patak lamang ng ulan ang aking naririnig.

Dinadama ko ang lakas ng ihip ng hangin habang ang aking mga buhok ay hinahawi ko dahil napupunta na ito sa mukha ko.

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na tatapak ako sa lugar na Manila. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakapunta doon. Si mommy at daddy ay napagdesisyonan na mag aral ako sa manila kung saan kasalukuyan din nag aaral ang akin kuya.

Simula noong bata pa lamang ako, iniingatan na ako ng aking mga magulang dahil nga mahina ang resistensya ng aking katawan. Palagi akong nagkakasakit. Homeschooled lamang ako. Wala akong kaibigan kahit na isa. Kahit nandyan ang mga magulang ko at si kuya, lagi kong nararamdaman na para akong mag isa.

Nakakalabas lang ako ng bahay kapag sinasama ako ng mga magulang ko sa bahay ng kanilang mga kaibigan at kamag anak namin. Pero hanggang doon lang iyon dahil kahit nasa party kaming pinupuntahan namin, wala naman akong nakakausap.

Ngayon ay aalis na ako patungong Manila. Nakahanda na din ang aking mga gamit dahil doon ako tutuloy sa isang dormitory sa paaralan na aking papasukan. Magkakaroon kaya ako ng kaibigan? Sana meron.

May kumatok naman sa pintuan ng aking silid at agad ko itong pinagbuksan.

"Ms. Ivonhy aalis na daw po kayo sabi ni madam." Pagtawag sa akin ni Manang Leni.

"Sige po manang." Magalang na aking sagot sa matanda. Kinuha ko na ang bag ko at tuluyan ng isinarado ang pintuan. Bumaba ako patungong sala at nakita ko doon si mommy.

"Anak mag iingat ka." Niyakap ako ni mommy at niyakap ko din siya pabalik.

"Opo mommy. Magpapakabait po ako wag na po kayong mag alala." Tipid na ngiti ang sumilay sa aking mga labi.

May kinuha si mommy sa kaniyang bulsa. Isa iyong kwintas na hugis puso at may maliit na diamond sa gitna. Isinuot niya iyon sa akin.

"Lagi mong isusuot to anak. Wag mo din itong tatanggalin"

"Opo ma. Salamat po"

Inihatid na ako ni mommy sa sasakyan. Kinawayan ko si mommy at ganoon din siya. Nakaramdam ako ng lungkot dahil aalis na ako sa bahay pansamathala at nakakaramdam din ako ng excitement dahil sa kung anong kakaharapin ko sa Manila. Nagsimula nang umandar ang sasakyan. Nakatanaw lamang ako sa bintana dahil ito ang huling sulyap ko sa bahay patungong Manila hanggang nawala na din ito sa aking paningin. Sumandal na lamang ako sa upuan at inayos ang seatbelt.

Mahaba haba din ang biyahe dahil nga sa isang probinsya ako nakatira.

"Manong anong oras po tayo makakarating ng Manila?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"Naku iha medyo matatagalan pa tayo. Siguro mga 4 hours." Tumango na lamang ako sa sinabi niya.

"Ang mabuti pa ay matulog ka muna." Sabi ni manong habang nagdadrive.

"Sige po. Maraming salamat po." Ipinasak ko nalang ang earphone sa aking tenga. Di nagtagal ay nakaramdam din ako ng antok at mahimbing na akong nakatulog.

Ethereal BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon