#17

4.8K 150 4
                                    

Bumalik na ako sa aming dormitoryo upang magpalit ng suot na damit. Ayoko naman na naka uniform pa din ako pag alis diba?

Ano bang susuotin ko? T-shirt? Pantalon? Kailangan ba simple lang? O yung expensive look? Hahahaha ano ba naman yan.

Bakit yung damit laging problema ng mga babae hayst. Napabuntong hininga ako sa aking mga iniisip. Alam kong mayayaman sila dito. Medyo kakaiba sila manamit kumpara sa mga taga probinsya na gaya ko.

I decided to wear a simple pink blouse na may ribbon sa gitna. Naka tuck in sa black pants ko. Nitry ko din suotin yung flat shoes na glittery na regalo sakin ni mommy bago umalis.

I also braid my hair para mas matchy sa suot ko. This is my first time na lumabas na may kasamang kaibigan. I just want to look good just like them.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin. Sinuri mula ulo hanggang paa. Hmm pwede na siguro ito.

This will do? I think so.

Lumabas na ako at isinukbit ang shoulder bag ko na pink.

Agad akong nagtext kay Vinah kung nasaan sila ni Kara. Ang sabi naman nila sa akin ay nauna na sila ni Kara sa Mall.

I gasped.

Iniwan nila ako!? Anong gagawin ko?

Di ako marunong pumunta don mag isa! I gritted my teeth because of confusion.

Sabi nila kanina maghintay ako sa parking lot ng school kasi dun daw kami magkikita kita.

Nandito na ako eh!

Tapos ngayon naman nauna na sila sa akin!

Should I go back to our dormitory?

Ipinasok ko na ang mobile phone ko sa aking bag at nagsimulang maglakad.

Napahinto ako dahil may naalala ako bigla!

Taxi! Oo nga pala may taxi dito! Bakit hindi ko naisip agad ?

Ngi hahahahaha stupid me.

Maglakad ako palabas ng gate ng school. Medyo hinihingal na din ako sa paglalakad. Medyo mainit pa kasi kahit na hapon na kaya nagpapawis na ako.

Suddenly, may nagbeep na sasakyan sa gilid ko. Medyo nagulat pa ako sa tunog na yon.

Huminto naman ako sa paglakad at inaaninag ko kung sino ba yung nasa loob ng itim na sasakyan.

Dahan dahan namang nag slide down ang car side window at nanlaki naman ang mata ko kung sino siya.

Si Demetiere.

Anong ginagawa niya? Show off? Eh?

Napataas naman ako ng kilay kung bakit nasa harapan ko siya ngayon.

Nananadya talaga ang panahon.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagkokompronta ko sa kaniya.

Ngumisa lang siya sa akin at tinanggal ang shades na kaniyang suot.

"Sinusundo ka na." Sambit niya na may halong pang aasar base sa tono ng kaniyang boses. Ngumiti pa ito sa akin.

The nerve of this guy.

"Ha? Ako? At ano naman ang kailangan mo sakin?" Pagduduro ko sa aking sarili na may bakas ng pagtataka sa ekspresyon ng aking mukha.

"Tch. Concern citizen lang naman." He rolled his eyes.

Woah?

"No thanks. Maglalakad nalang ako." I turned him down at nagsimulang maglakad sa gilid ng daan.

Binilisan ko pa ang paglakad ko dahil alam kong nakasunod pa din siya sa akin.

Hindi ko na lamang siya sinulyapan ng tingin. Kahit hingal na hingal ako sa bilis ng paglakad ko, ang mahalaga malayasan ko si Demetiere.

Pagkaliko ko sa sa kabilang kalye na may biglang nagtangka na humablot ng aking bag. Nabigla ako sa nangyari.

Nakipaghilahan ako sa lalaking nagpupumilit kumuha ng bag ko nang biglang bumulagta ang lalaking magnanakaw sa sahig.

Namilipit sa sakit ang magnanakaw at hindi na ito makatayo. Labis na kaba ang aking nadarama sa mga oras na iyon at hindi na ako makapagsalita pa dahil sa gulat.

Someone grabbed my wrist.

Demetiere.

Para bang bumagal ang oras at ang paggalaw ng paligid sa akin. Lalong bumilis ang pintig ng aking puso sa hindi malaman na dahilan.

Alam kong kinabahan ako sa nangyari pero lalong bumilis ang pagtibok nito.

I stared at him for a second. Bigla niya akong ipinasok sa front seat at dali dali niyang pinaandar ang sasakyan.

Hindi na ako nagreklamo sa kaniyang ginawa. After all, nakaligtas ako sa pangyayaring iyon dahil sa kaniya.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil ayaw tumigil ang pagpintig nito.

He looked at me and he said "You're safe with me"

Ethereal BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon