#3

11.2K 323 10
                                    

"Good afternoon po" I greeted the secretary and the pricipal with formality.

"Have a sit." Umupo naman ako.

"You are Ms. Ivonhy right?" Pagtatanong niya sa akin at tumango naman ako.

"Ah opo." Ngumiti lamang ako ng tipid.

"Welcome to Manila University." Pagwewelcome niya sa akin.

" Ito ang schedule mo and also the key to your dorm. Kung may mga katanungan ka naman, you can always ask me." She handed me the papers and the key. I just nodded.

"Sige po ma'am." Tinignan ko din ang schedule ko ang also the number ng magiging dorm ko. May pumasok namang babae sa Faculty.

"Ms. Lany will guide you to your dorm." Tumango na lamang ako. Hindi ako makasagot kasi hindi ko alam ang mga sasabihin ko eh.

Lumabas na kami ng Faculty at sumunod ako kay miss Lany. Tinext ko si manong na dalhin ang mga gamit ko sa Room 105.

Pumasok kami sa malaking building. Creamy white ang kulay ng building. Pagpasok ko sa loob ay lalo akong humanga sa kagandahan nito. This building looks so sophisticated. Halata naman na ang mga nag aaral dito ay mga angat sa buhay katulad ko.

Nag elevator kami. Medyo may kataasan din kasi ang building na ito. Sa pinakataas kami ng building pupunta which is the 7th floor. Ang building na ito ay para lamang sa mga grade 9 and 10 students base sa papel na ibinigay sa akin ng principal.

"Taga saan ka?" Pagtatanong sa akin ni Ms. Lany.

"Sa Nueva Ecija pa ako nanggaling." pagsagot ko sa kaniya.

"Ay malayo pala. Taga probinsya pala." Tumango tango naman siya.

"Ako nga pala si Laniah Vasquez. Just call me Lany nalang. Drop the formalities hehe." Pagpapakilala niya sa akin.

"Athena Roze Ivonhy. Roze nalang itawag mo sa akin." Simple lamang ang pagpapakilala ko sa kaniya. Nagblush naman ang mukha ko kasi hindi talaga ako sanay makipag usap.

Nanlaki ang kaniyang mga mata.

"OMG! Kaano ano mo si Luther Reeze Ivonhy?" Parang interesado niyang tanong sa akin.

"Kuya ko siya." Medyo mahina at mahinhin kong sagot sa kaniya.

"Ang swerte ko naman haha! Anyway eto na dorm mo. May mga makakasama ka din." Tumango naman ako.

"Salamat." Ngumiti ako ng tipid sa kaniya.

"Naku wala iyon. Let's be friends ha? You can always count on me. Sabihin mo lang kung may problema ka." Nagthumbs up siya sa akin habang nakangiti.

"T-talaga?" May pagkamangha ko tanong sa kaniya.

"Oo naman. O sige mauna na ako sa iyo. Good luck!" Kumaway kaway siya sa akin hanggang sa makapasok na siya ng elevator. Nakakatuwa naman siya. Kahit papaano ay nabawasan naman ang kaba na nararamdam ko.

Masaya ako at may mga naging kaibigan ako sa araw na ito.

Kumatok muna ako sa pintuan bago ko ito buksan. Bumungad sa akin ang dalawang babae. Ang isa ay nakangiti at ang isang babae naman na maikli ang buhok ay hindi.

"Welcomeee!" Sabi ng babaeng mukhang masayahin.

"Salamat." Ngumiti ako sa kanila.

"Anong pangalan mo?" Pag uusisa sa akin ng babaeng nakangiti.

"A-athena r-roze Ivonhy. Roze nalang." Medyo nahihiya kong sambit.

"I'm Kara and she's Vinah." Pagpapakilala niya sa sarili niya at pati na rin sa katabi niya na walang kaemo emosyon.

"H-hello" Feeling ko nagblush nanaman ang mukha ko.

"Ang ganda mo! Taga saan ka?" hinawakan pa niya ang buhok ko na mukhang namamangha sa akin.

"N-Nueva E-ecija." Nahihiya kong sagot sa kaniya.

"Taga probinsya ka pala. Kaya pala mukhang inosente at maganda pa!" Napapalakpak naman si Kara.

"Tch." Napairap naman si Vinah sa akin.

"Vinah! Wag ka ngang ganyan ha" Binatukan naman ni Kara si Vinah. Napa aww nalang si Vinah sa ginawa niya.

"S-sorry." Medyo mahinhin kong sambit. Napatingin naman ang dalawa sa akin.

"Naku Roze hayaan mo na ang babaeng yan at ganyan talaga siya." Napakamot nalang ito ng ulo.

"Ganyan ka ba talaga?" Pinagtaasan niya ako ng kilay at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Kinikilatis niya ako.

"Hah?" Medyo natataranta ako.

"Vinah!" Pagsuway naman ni Kara.

"Fine! I thought she's a bitch but it looks like she's not." Napabuga nalang ng hangin si Vinah.

"Mukha bang bitch si Roze!? Tignan mo ang simple ng ayos at mukang..." Napatingin naman si Vinah kay Kara.

"Napakainosente?" Sabay pa nilang sabi at napatingin sa akin. Nagtataka ko lang silang tinignan.

"Hmm. Oo tama ka." Napahawak sa baba si Kara.

Ngumiti naman si Vinah sa akin na ikinagulat ko.

"Hindi ka naiinis sa akin?" Pagtatanong ko sa kaniya ng mahina. Napatakip naman ako sa mukha. Nakakahiya.

"Hindi. Hindi ka naman bitch eh." Nginitian niya ako unlike kanina na mukhang naiirita siya sakin.

"Bitch?" Nakakunot ang noo ko.

"Vinah! Nako Roze wala iyon. Wag mo nalang siyang pansinin." pekeng tumawa si Kara.

"Ang bitch ay malan--hmpp!" tinakpan ni Kara ang bibig ni Vinah.

"Ha ha ha wala yun!" Tinatakpan pa din ni Kara ang bibig ni Vinah. Kakaiba sila.

I shrugged. May kumatok sa pinto at mukhang si manong na yon. Binuksan ko ang pintuan at ipinasok ni manong ang mga gamit ko. Nagpaalam na siya at nagpaalam na din ako kay manong. Itinuro naman sa akin ng dalawa ang kwarto ko at nagkwentuhan din kami. Noong una ay medyo nahihiya pa ako pero di nagtagal ay naging komportable na ako sa dalawa.

It feels so great. Parang naeexcite ako. Everything is first time. And i love it.

Ethereal BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon