CHAPTER 10: Liters Of Tears

249K 4.6K 713
                                    

CHAPTER 10: Liters Of Tears

*****

"I'm so sorry, 'Pa. I am not the perfect daughter you wanted me to be."

*****

LUNA

"He's fine. 'Wag ka ng mag-alala, Luna. Your father's fine. Iwasan niyo lang ma-stress si Beiron." Sabi ng Family Doctor namin. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang sabihin nito ang magandang balita. Hindi na ako nag-abalang magsuklay nang sinabi ni Dylan na inatake si Papa. Mas nanaig ang takot ko na mawala ito.

"Thanks, God." Nanginginig kong sabi. "K-Kailan po siya magigising?"

"Hindi pa natin malalaman ngayon. Kailangan ko pa siyang obserbahan. Sa oras na lumabas na ang result, pwede na siyang iuwi." Nakangiting sabi nito at pagkatapos ay tumingin sa relong pambisig. "Maiwanan ko na muna kayo. Magra-round pa kasi ako."

Inakbayan ako ni Dylan. N'un ko lang naramdaman na nasa tabi ko pala siya. Tinitigan ko siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin panatag ang loob ko hanggat hindi gumigising si Papa.

"'Wag ka ng mag-alala. The doctor said he's already fine, Luna."

Umiling ako. "This is all my fault."

Umupo ako sa tabi ni Papa at hinawakan ang kamay nito. Tears streaming down my face. "This is all my fault. I'm so sorry, Papa."

Hinawakan ni Dylan ang aking balikat. "Hindi mo kasalanan ang lahat, Luna. Masyado lang talagang makulit ang Papa mo at ayaw magtigil sa pagta-trabaho."

Tinitigan ko ang mga aparatong nakakabit sa kamay at ilong ni Papa. Gusto ko na siyang gumaling. I want my father's strength back.

"Avery.." Umungol si Papa. Binanggit nito ang pangalan ni Mama, iyun kasi ang ginagamit ni Papa na nickname sa kanya.  "Take me with you."

"Papa." Hinawakan ko ang kamay nito para gisingin siya. Don't leave me yet, 'Pa. Ang dami ko pang gustong sabihin sa'yo. Aayusin ko pa ang gusot sa pagitan nating dalawa.

Dumilat ito at ngumiti sa akin. Napatulala ako. This is the first time na nginitian ako ni Papa. Hinaplos ni Papa ang pisngi ko sa kabila ng panghihina niya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko.

"My lovely wife.. I missed you."

"'Pa, akala ko mawawala ka na rin sakin." Nanginginig kong sabi. "Tinakot niyo ko."

Nag-iba ang timpla ng mukha ni Papa. Naging mabagsik ito. Mabilis nitong inalis ang kamay sa pisngi ko.

"'Pa, dapat po siguro 'wag na kayong magtrabaho. Magpahinga nalang po kayo sa bahay natin."

Tumawa ito ng pagak. Kahit hinang-hina ay pinilit nitong umupo. Hinawakan niya ang kamay ko nang pigilin ko siya. "Huwag mo akong hawakan!"

"'Pa, 'wag po kayong sumigaw, makakasama iyon sa inyo."

"I said, shut up!" Napaatras ako.

"Papa, that's enough! You are a self centered father! Kung normal na anak lang si Luna, matagal ka na niyang sinukuan at iniwan. Pero hindi, nanjan pa din siya kasi alam niya dadating ang araw na kakailanganin mo rin siya."

"Dylan, that's enough. Hindi pa stable ang lagay ni Papa." Pigil ko sa kanya. "Just let me talk to him. Alone."

"How much time do you need?"

"An hour."

Tumango ito at lumabas ng room. Nang harapin ko si Papa, nakahiga na ito at nakatalikod sa akin.

"Papa, are you.. are you hungry? May dinala akong prutas para sa sayo."

"I want you to get out of my room." Madiin nitong sabi habang nakatingin sa labas ng bintana.

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now