CHAPTER 24: CONSEQUENCES OF YOUR CHOICE

186K 3.9K 663
                                    

CHAPTER 24: CONSEQUENCES OF YOUR CHOICE

******

LUNA

"Kumain ka na, Sky. Para lumakas ka na." Inilagay ko ang tray ng pagkain sa lamesa na nasa gilid ng kama ni Sky.

Nagpasalamat ito bago kunin ang tray. "Natawagan mo na ba si Dylan?"

"Hindi niya sinasagot ang telepono sa bahay at patay rin ang cellphone niya." Malungkot kong sabi. Umupo ako sa upuan katabi rin ng kama nito. Pinagmasdan ko siya habang iainusubo ang inihanda kong lunch sa kanya.

Nagkalinawan na kami ni Sky. Hinding-hindi ko na kaya pang-iwan si Dylan. Mahal na mahal ko siya.

Dalawang linggo na ako dito sa California. Nagkaroon ng bagyo dito sa Caifornia kaya nakansea ang halos lahat ng flights. Ngayon palang humuhupa ang delubyo kaya ngayon ko lang din naasikaso ang pagpapa-book ko ng flight pabalik sa Pinas. Hindi ko na kayang magtagal pa dito na hindi nakikita si Dylan. Habang nagtatagal ako dito, mas bumibigat ang nararamdaman ko.

Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang hawakan ni Skyler ang aking kamay. Bahagya niyang pinisil ang akong kamay.

"This will be the last time. I won't bother you anymore. I'll let you go. Baka hindi ka talaga para sa akin. Masakit pero, wala naman akong magagawa." Nangungusap ang mga mata ni Skyler.

I kissed the back of his palm. "I'm sorry for not loving you back, Sky. But you're so special to me."

"I know." Ngumiti ito ng tipid. "Nabawi ko na naman ang lakas ko kaya umuwi ka na. Magpahinga ka. Alam kong sobra na ang pagod mo sa kakaalaga sa akin."

"Sky, I'm sorry."

"Why are you apologizing? I understand, Luna. Hindi natin pwedeng ipilit lahat ng bagay. We all have this crazy things that we can and can't do. You don't love me and you never did." Napansin ko ang pamumula ng mga mata ni Skyler. Nag-iwas ito ng tingin. "Go back now. Go back to your husband, Luna."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Iningatan kong masakatan ang kanyang opera. Gumanti ito ng yakap. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay.

"Sky, thank you. Someday, someone will take your pain away and treat you like you're her whole world."

Umuwi ako sa tinutuluyan kong hotel at nag-empake ng gamit. Bukas kasi ng tanghali ang flight ko pauwi sa Pilipinas. Umupo ako sa aking kama at muling tinawagan ang cellphone nito. Sa mga oras na ito, alam kong nasa bahay na si Dylan.

Ilang beses lang ito nag-ring at may sumagot na. "Hello, Luna?"

"C-Camille?"

"Ah, shit. Teka, Dylan!" Narinig kong sabi ni Camille. "Ay, hello, Luna. Naku, ang asawa mo. Lasing na lasing. Nasaan ka ba?"

"N-Nasa California ako. Pinuntahan ko si Sky—"

"Kaya naman pala, e. Umuwi ka na. Ilang beses na ako nagpupunta ng presinto dahil laging nasasangkot sa gulo ang asawa mo."

Huminga ako ng malalim para pakalmahin anh sarili ko. Bakit niya kasama si Camille? "Nagpa-book na ako ng flight pauwi bukas."

"Luna.." Narinig ko ang boses ni Dylan sa kabilang linya.

"Oh fuck! Eew!" Rinig kong tili ni Camille.

"Camille, anong nangyayari sa kanya?" Nagpapanic kong sabi.

"Sinukahan niya ako. Eew! Umuwi ka na, please! Kahit si Papa, naiinis na kay Dylan dahil lagi siyang late sa mga meetings."

"Oo, bukas na ang flight ko. Camille, please don—"

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon