CHAPTER 25: WATERWORKS

187K 3.7K 677
                                    

CHAPTER 25: WATERWORKS

*******

LUNA

"Huh? Buntis ka na?! Omygosh! Tita na ako." Masayang sabi ni Camille.

Ngumiti ako ng mahigpit at hinigop ang kape na binili namin sa Starbucks. "Buti ka pa masaya na buntis na ako. Samantalang 'yung asawa ko.."

"Ano na namang katarantaduhan ang ginawa ni Dylan?"

"Ang akala kasi niya si Skyler ang ama ng anak ko." Tinakpan ko ng kamay ang aking bibig para makulong ang hikbi. Binigyan niya ako ng tissue at ipinunas ko iyon sa aking pisngi at mata. "Hindi siya naniniwala na walang nangyari sa amin ni Skyler. Paano naisip ng asawa ko na pinagtaksilan ko siya?"

Hinawakan ni Camille ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "Let him cool down. Matatauhan din iyon. Makitid na ang pag-iisip ni Dylan simula nung nasaktan ko siya. Ang gusto niya ay kontrolado na niya ang lahat."

"Natatakot lang kasi ako na baka bumalik na naman siya sa pananakit sa akin."

"If he does that, ipapatikim ko sa kanya ang lasa ng utot ni hudas."

Natawa ako sa sinabi ni Camille. "May lasa ba 'yun?"

"Makisakay ka nalang." Maarteng sabi nito.

Maghapon kaming magkasama ni Camille. Pinapagaan nito ang aking loob. Pinaliwanag ko rin sa kanya kung bakit ako nag pumunnta ng California para kay Skyler. Sana maintindihan ni Dylan na malaki ang ginampanang papel ni Sky sa buhay ko. Kung hindi ko siya nakilala, malamang ay nagpakamatay na ako sa sobrang lungkot.

"Everything's alright, hmm?" Napatingin ako kay Camille.

Nakahinto na ang kotse sa tapat ng gate namin. Tumango ako at dahan-dahang lumabas sa kotse.

"Tawagan mo ako kapag may nangyari, ha? Susunduin agad kita."

"Oo. Salamat, Camille."

Pinaharurot na nito ang sasakyan paalis. Binuksan ko ang gate at pumasok na. Isinuot ko ang susi sa doorknob at pinihit iyon. Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at pumasok sa loob ng bahay.

Bukas ang lahat ng ilaw ngunit walang bakas ni Dylan sa paligid. Binaba ko ang aking bag sa upuan at pumunta sa kusina ngunit wala rin siya doon.

Huminga ako ng malalim at pumunta sa aming kwarto. Nakita ko ito na nakadapa sa kama at natutulog. Naamoy ko ang halimuyak ng alak sa buong kwarto. Umuwi na naman siyang lasing.

Lumapit ako sa kanya at isa-isang inalis ang kanyang sapatos. Kumuha rin ako ng damit na mas kumportable kaysa sa polo at jeans niya. Pagkatapos ko siyang bihisan ay bumaba na ako para magluto ng hapunan.

Nang matapos akong magluto ay umakyat ako sa kwarto para gisingin si Dylan. Hindi siya pwedeng matulog na puro alak ang laman ng kanyang tiyan.

"D, gising na." Sabi ko habang niyuyugyog ang balikat niya.

"Hmm.." Ungol nito ngunit hindi dinilat ang mata.

"Kumain ka muna."

"Get out. I want to sleep." Malamig na tugon nito.

Nagbuntong-hininga ako. "Dylan, come on. Kumain ka muna atsaka ka magpahinga. Masama kasi—"

Bumangon ito at matahas na hinawakan ang aking kamay. "Shut up! And get the fucking hell out of my eyes!"

Nag-init ang sulok ng aking mata. "Dylan, what did I do for you to hate me this much?"

"Don't start with the waterworks now! Fuck!" Pinasadahan nito ng kamay ang kanyang buhok. 

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon