PROLOGUE

12 2 0
                                    

PROLOGUE

'Di na'ko magdadalawang isip oh,gusto kita,
Kitang-kita ko na ang saya sa'yong mga mata,
Sa t'wing kasama mo'ko, Sa tw'ing kasama kita,
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga'

Paulit-ulit niyang sinayaw yung kantang "Bagay Tayo"  para makuha niya yung tamang tyempo sa tugtog. Pagod na pagod na siya pero ipinagpatuloy niya pa rin ang pagsayaw.

'Bagay tayo,Bagay bagay tayo,Bagay tayo,
Bagay tayong dalawa,

Hawakan mo aking kamay at lilipad ng sabay oh oh'

Nagsayaw siya hanggang sa matapos ang kanta. Nag-take muna siya ng break. Uminom ng tubig at kumain ng kaunti para hindi mabigla ang kaniyang tiyan. Nagpunas ng pawis at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay itinuro niya ito sa mga batang nasa harapan niya. Sobrang ginaganahan siya sa tuwing makikita ang mga mukha ng mga bata. Dahil nakikita niya ang kagustuhan at kasiyahan ng mga ito na matuto sa larangan ng pagsasayaw. Sa tuwing nakikita niya ang mga itong sumayaw nakikita niya sa kanila ang kaniyang sarili, naaalala niya noong bata pa lamang siya ay nasimulan na niya kahiligan at gawin ang pagsasayaw.

Nang matapos niyang turuan ang mga bata ay pinag- water break niya muna ito tsaka pinalapit sa kanya.

"Nice one kids, araw-araw nagle-level up kayo, ipagpatuloy niyo lang ang pagpractice para mas lalo kayong gumaling sa pagsayaw. Pwede na kayong umuwi dahil naghihintay na 'yong mga magulang niyo sa labas" sambit niya sa mga bata.

"yehey!"

"uwian na, hindi na masaya"

"bukas ulit bff ha!"

"seeyou"

"bye,coach thankyou sa pagturo"

Kanya-kanyang sabi ng mga bata habang naghahanda palabas ng danceroom, na ikinangiti na lamang niya. Nang makauwi na ang mga bata ay napag-pasyahan niya na magpa-iwan muna dito saglit para magsayaw ulit. Wala naman kase siyang gagawin sa bahay.

"1 and 2 and 3 and 4 and 5 and 6 and 7 and 8" pabulong na bilang niya sa sarili habang sumasayaw.

Naka-focus siya sa ginagawa niya. Seryosong-seryoso siya sa pag-aaral ng sayaw. Sinasayaw niya kase ito ng may puso at may halong pagmamahal. Dahil kung sasayaw ka ng walang kasamang puso puro galaw lang, hindi mararamdaman ng mga nanunuod kung nafi-feel mo ba yung music o mema-sayaw ka lang talaga.

"Kaunti na lang matatapos ko na rin 'tong sayaw" aniya sa sarili ng nakangiti.

'Tap your shoe,
Tap your shoe,
Cross your legs...'

next song...

'It's the loveshot,
Nanananananana...
Nanananananana ...
Oh woah oh woah oh...
It's the loveshot'

next song...

'We go to the left,
We go to the right,
Cross your legs,
Tap your shoe four times, and we go slide...'

next song...

'Let's kill this love...
Yeah yeah yeah yeah yeah...
Rampapampapampapam'

Sinubukan na niyang sabayan ng music yung steps na inaral niya. Ibinigay niya ang buong lakas niya sa pagsayaw nito. Habang sumasayaw ay nagbibilang sa isipan at iniisip rin ang susunod na step na gagawin. Tanging ayan lang ang laman ng isip niya. Laking tuwa niya ng makuha ng maayos ang sayaw.

Nakailang aral rin siya ng sayaw.

10:56 P.M.

Hindi na niya namalayan ang oras dahil sa kakasayaw. Buong araw wala siyang ginawa kundi ang sumayaw ng sumayaw sa danceroom. Nang magsawa na siya at napagod na pumunta siya sa bag niya para kunin ang cellphone at tignan kung anong oras na.

A Dancers Love Story: Princess TanWhere stories live. Discover now