CHAPTER 2

5 1 0
                                    

CHAPTER 2

SI MARGA ang matalik na kaibigan niya. Simula kase pagkabata nila ay magkakilala na sila. Nagkakilala sila dahil sa mga magulang nito. Laging magkasama ang mga magulang nila ,nang magkaroon naman ng oras na magkakilala sila, sinulit nilang magkakilala sa bawat isa na parang wala nang bukas at susunod.

Hanggang sa lumaki na sila ay magkasama pa rin ito. Sa sobrang close nila sa isa't-isa walang sikretong hindi nila nalalaman. Problema ng isa, problema na rin ng isa, sabay nila itong hinaharap at nilalampasan. Sinusoportahan nila ang isa't-isa sa bawat pangarap na mayroon sila.

Hanggang ngayon, sinuportahan siya ni Marga sa lalaking ginugusto niya.

Naghanda na siya ng gamit at nagsuot ng simpleng damit, ripped jeans, pink t-shirt at boots. Nagdala na rin siya ng maliit na bag para paglagyan ng wallet, phone and panyo niya.

Pagkatapos ay nagbyahe siya papunta sa harap ng condo ni Marga. Habang nasa loob ng sasakyan ay tinawagan niya ang kaibigan para sabihin na papunta na siya.

calling...

"Hello Cess, asan ka na?" kaagad na sambit sa kaniya ng kaibigan.

"Nakasakay na ako papunta na ako diyan sa condo mo" aniya.

"Sige 'wag ka nang umakyat nandito na ako sa baba" sabi nito.

"Ok see you in a minute" aniya saka pinatay ang tawag.

Medyo mahaba-haba ang byahe niya dahil sa traffic at paonti-unting usad lamang ang nga sasakyan. Pero kaagad naman siyang nakarating sa condo ng kaibigan ng umusad ang mga sasakyan. Hindi kalayuan nakita na niya kaagad ang kaibigan na ikinangiti niya nang makita palingid-lingid ang tingin nito na alam niya kung bakit, kanina pa siya nito hinihintay at nasisiguro niyang alalang-alala na ito sa kaniya.

Nang maramdaman niyang huminto na ang sasakyan kaagad niyang inabutan ng bayad ang driver at walang sabi-sabing binuksan ang pinto at tumakbo papunta sa kaibigan.

Nang makarating siya rito ay niyakap na niya agad ang kaniyang kaibigan.

"Sorry for waiting, masyado kaseng traffic papunta sa condo mo paonti-unting usad lang ang sasakyan" aniya habang nakayakap pa rin sa kaibigan.

Kumawala si Marga sa pagkakayakap niya at nagsalita, "It's okay, buti na lang safe kang nakarating alalang-alala na kaya ako sayo akala ko kase kung ano nang nangyari sayo sa sobrang tagal mo" kitang-kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala nito sa kaniya.

Tanging ngiti lang ng tinugon niya dito, "Tara na Princess let's have our date" pabirong pag-aaya sa kaniya na ikinatawa niya lamang.

Nilakad na lamang nila ng kaibigan papunta sa restaurant na parehas nilang paborito, hindi naman kase kalayuan mula sa condo ng kaibigan niya ang restaurant. Habang naglalakad ay madami na agad silang napag-kuwentuhan, hindi sila naubusan ng kwento. Dahil sa matagal nilang hindi pagkikita at pagsasama. Sobrang namiss nila ang isa't-isa, tanging text at tawag lang ang communication nila para makapag-usap pero alam nila pareho na hindi iyon sapat sa kanilang dalawa.

May kanya-kanya kase silang ginagawa sa buhay na pinagtuunan na muna nila ng pansin. Nang magkaroon sila ng oras para magkita ay hindi na nila iyon sinayang. Nakarating na sila sa restaurant at natigilan ng makitang ang laki ng ipinagbago ng Chandler's Restaurant. Mas lalo itong lumaki at gumanda at nasisiguro nilang mas sumarap at nadadagdagan ang mga pagkain dito kaya tumakbo sila habang tumatawa papasok sa loob ng restaurant.

Pinili nilang sa pinakatuk-tok sila kumain para mahangin. Nauna nang umakyat si Princess at naghanap ng mauupuan nila. Samantala si Marga ang nag-order ng kakainin nila dahil nga siya ang magt-treat sa kaniya ngayon.

A Dancers Love Story: Princess TanWhere stories live. Discover now