CHAPTER 3

4 1 0
                                    

CHAPTER 3

3 years ago...

INAYA siya ng kaibigan niyang si Marga at si Ana sa ibang bansa para daw maglibang. Isang buwan sila sa ibang bansa ,dahil isang buwan sila walang pasok.

"Magbabakasyon ako sa Japan gusto mo ba sumama? Niyaya ko na rin ang kaibigan nating si Ana, go or nah? Isang buwan ka namang walang gagawin." anito.

"Go! Oo naman, kelan ba ang alis natin? Wala pa kase akong nakahandang gamit kase ngayon ka lang nagsabi" aniya.

"Ahm.. bukas na kase ang alis natin. Hindi kita nasabihan agad-agad kase madami akong inasikaso this past few weeks" sabi nito sa kaniya.

Gumuhit sa mukha niya ng pagkagulat pero kaagad naman ito nawala, "Ah ganun ba, maghahanda na ako ng mga gamit ko para bukas. Btw, anong gagawin natin dun?" inosenteng tanong niya.

Ilang segundo ang lumipas bago niya narinig na magsalita ang kaibigan, "Ano pa? Edi maglilibang tayo do'n" pagbasag nito sa katahimikan.

"Sige aayusin ko na gamit ko gabi na eh at maaga pa tayo bukas matutulog ako  baka mahuli na naman ako sa flight at iwan mo na naman ako" natatawang sabi niya ng maalala ang sinaryong iyon.

Narinig niya rin na may tumawa ng malakas sa kabilang linya. Nang nag-aya ang kaibigan niya ay kaagad siyang um-oo at nang araw na ng pag-alis nila hindi niya namalayan ang oras, tanghali na siya nagising nagmadali siyang kumilos papunta sa airport at nang makarating bumagsak ang balikat niyang ng malamang nakaalis na ang eroplanong sasakyan nila at nakasakay na doon ang kaibigan niya. Umuwi siya sa bahay ng malungkot pero nauwi kaagad ang lungkot niya sa tawa.

Sa tuwing naaalala niya 'yon ay wala siyang ibang ginagawa kundi ang tumawa ng tumawa ,napapahalakhak siya ng malakas with matching hawak ng kamay sa tyan. Ganoon siya katawa kapag naaalala niya iyon.

Naputol ang pagtawa niya ng magsalita ang kaibigan, "Sige na mag-ayos ka na wt matulog kaagad and then I'll see you in the airport" may bahid na saya sa boses nito.

"Okay" matipid na sagot niya sabay patay ng tawag.

Nang patayin ang tawag ay kaagad na kinuha niya ang maleta na nakatago sa ilalim ng kama niya at nagtupi ng mga damit at naglagay ng mga gamit sa maleta na magagamit niya sa loob ng isang buwan sa Japan. Pangalawang beses na dapat niya makakapunta sa Japan kaso nga hindi siya naka-abot sa flight last time. So first time niya makakapunta dito at nae-excite na siya kahit na wala siyang ediya kung anong gagawin nila doon. Siguro si Marga meron nang plano sa gagawin namin doon sa loob ng isang buwan pero siya wala ni isa. Gusto niya lang kase mag-enjoy lalo na sa ibang bansa.

Matapos niyang mag-ayos ng gamit at maghanda ng maisusuot para bukas ay naligo na siya dahil nakaramdam siya ng init. Pagkatapos maligo ay nagbihis siya ng pantulog at nahiga ng komportable sa kama niya. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang matulog.

NAGISING na lamang siya nang may maramdamang sinag ng araw mukha niya. Bumangon siya paupo sa kama at tinignan ang wall clock niya sa kwarto at kaagad siyang napangiti 7:00 A.M. at sa wakas hindi na ako male-late ngayon. Umalis siya sa kama niya at naligo na kaagad wala siyang sinayang na minuto. Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng damit na inihanda niya kagabi pa lang. Stripes croptop (black & white) ,black jeans ,at brown leather jacket na hanggang tuhod niya. Nagsuot siya ng ganun dahil malamig ang klima ngayon sa Japan.

Pagkatapos magbihis ay ibinaba niya ang maleta at isinara ang pinto ng condo niya. Bumaba siya sa building at nag-abang ng taxi ,sandali niya itong pinatabi at pinaghintay sa kaniya. Bumili siya ng donut at hot choco coffee sa dunkin' donuts at sumakay muli sa taxi.

A Dancers Love Story: Princess TanWhere stories live. Discover now