CHAPTER 4

3 1 0
                                    

CHAPTER 4

NAKARATING na silang magka-kaibigan sa bahay ni Marga dito sa Japan. Sumakay lang sila sa sasakyan at hinintay na makarating dito. Sobrang lamig ng temperatura ngayon sa Japan kaya naman kahit na naka leather jacket na siya ay nilalamig pa rin siya. Mabuti na lang ay mainit-init sa loob ng bahay na titirhan nila dahil sa mga kandilang nakasindi doon.

"Princess doon sa taas yung kwarto mo, katabi ng kwarto mo yung kwarto ni Ana. Sa kabilang side ako ng kwarto mo cess, kung hindi kayo makatulog bumaba kayo dito sa sala, gawin niyo kung ano gusto niyo gawin" sabi ni Marga habang nag-aayos.

Tumango lamang ang dalawa at saka umakyat. Inilabas niya ang gamit niya at inilagay sa closet.

Pagkatapos nilang lahat ayusin ang bahay ay napag-pasyahan nilang gumala. Pumunta sila sa Sapporo, Hokkaido. Kung saan ay malapit-lapit lang ito mula sa bahay ng kaibigan.

Sapporo, Hokkaido is located on Japan's northernmost island. Hokkaido is a city in Sapporo offers many things to see and do for tourists. As a island's largest city, It's a hub of cultural activity, hosting many excellent events and festivals; and plenty of museums, galleries and parks. The attractive downtown area is the center of which is Odaki park, a large swath of green that's very pleasant to explore.

Dito nila napag-usapang pumunta. Gusto nila ma-explore ang lugar kung saan ipinanganak ang kaibigan. Si Marga ay may lahing hapon, her surname is Hokkaido which is the owner of the city Hokkaido. Her family is known as the wealthiest family in Japan. Kaya naman kahit saan sila pumunta sa Japan ay sagot ito ni Marga. Kaya naman nasisiguro niyang masusulit niya ang isang buwang bakasyon dito.

Inikot nila ang Odaki Park. Lahat ng ginusto nilang gawin ay nagawa nila dahil sa binibigay nila lahat ng gustong gawin ng mga turistang pumupunta rito.

Pumasok rin sila sa museyo o museum sa ingles. Doon nila nakita ang mga magagandang larawan at mga pinta na kilalang-kilala sa ibat-ibang sulok ng mundo.

Nagawa na nila lahat ng gusto nilang gawin at napuntahan na rin ang mga gusto nilang puntahan. Apat na linggo na lamang ang natitira nilang araw para manatili sa bansang Japan.

Napag-pasyahan ni Princess na lumabas muna ng bahay para kumain ,dahil nagsasawa na rin siya sa paulit-ulit na pagkaing hinahain sa kanila. Wala naman siyang arte pagdating sa pagkain. Kahit ano kakainin niya basta sa tingin niya ay masarap iyon. May perang ibinigay ang kaibigan niya sa kaniya. Pera iyon sa Japan dahil ang dala niya lamang na pera ay ang pera sa Pilipinas. Nag-umpisa siyang maglakad-lakad ng may makitang kainan na hindi kalayuan sa bahay ng kaibigan. Mula sa kainan ay natatanaw pa rin naman niya ang bahay ng kaibigan niya.

Kinakabahan siya dahil hindi siya marunong magsalita ng lengguwahe dito. Umupo siya sa pang-dalawahang tao at hinintay na may lumapit sa kaniya.

May lumapit sa kaniya na nasisiguro niyang nagtatrabaho ito dito. Nang makitang malapit na ito ay kinabahan siya lalo. Nang sa makalapit na ito ay nagsalita siya.

"Hindi ako marunong ng lengguwahe niyo" sabay tingin sa baba para itago ang hiya.

Napatingala siya ng marinig itong magslita, "Huwag kang mag-alala miss Pilipina ako" Ngingiti-ngiti nitong sabi sa kaniya, "Oh eto pumili ka na dyan ng gusto mong kainin ako na ang magluluto para hindi ka na mahirapang makipag-usap sa mga hapon" anito.

"Sige--" itinuro niya ang gusto niyang kainin dahil hindi naman niya ito maintindihan, "---maraming salamat, marunong ka bang magsalita ng lengguwahe nila?" tanong niya.

A Dancers Love Story: Princess Tanحيث تعيش القصص. اكتشف الآن