7.32

221 7 0
                                    



1st Class Ex-Servant of Empress Nice, Kale's Point of View

Pag-teleport ko mula sa Dining Lounge, lumapag ako sa Eternal Library. It's been awhile Library!

*swiss*

"Amazing aura as always Kale of Bulgaria. Greetings from me. *wink*" Masayang bati ni Empress Intel sa akin. She's a follower of Lander. "Alam kong, alam mo na kung paano ang pasikot-sikot. May mga babasahin na hindi pa pwede sayo. Pero soon, pwede na siguro." Dagdag niya pa na kinatango ko lang.

Anong, 'soon, pwede na siguro?' Isa itong tanong na umulit-ulit sa utak ko. Weird. She's always weird by the way!

Well, I know kung anong pwede sa akin. Bawal ang may tiger, dragon and serpent seal. Alam kong bawal 'yan sa'kin. Hindi naman ako magbabasa n'un. Du'n lang ako sa basic human seal.

"Mauna na'ko?" Pagpapaalam ko at tumango ulit. Tumango rin siya at nag-wave 'goodbye' pa.

Naglakad na ako past her.

Sa kalayuan ko, gumamit na ako ng Megaphone Spell para marinig ng lahat ng libro sa mundong 'to ang nais ko.

"Mga libro! Pagbigyan ang aking hiling! Larawan o imahe ng malapit sa puso ng Diyos inyong ipatingin! Oo, tama kayo! Larawang Libro ang aking nais na idaing! Halina't magsaya sa ligayang dating ng aking kapangyarihang angkin!"

"Hiyaaaaa! Ako! May mga larawan ako!" Sigaw ng isang libro mula sa malayo.

Inaangat ko agad ang kamay ko para masalo siya. Napangiti pa ako dahil, marami pang nagsisiliparang libro na kumpol-kumpol mula sa malayo na akin nang tanaw!

Imposibleng, hindi ko mahanap 'yun.

Kailangan matapos ako bago ang seremonya.

Umupo ako sa bangketa at binuklat na ang unang libro.

"Maghihintay kami!" Sabi pa ng isang libro na lumapag pa sa tabi ko! At marami ng pumatong sa kaniya. "Ako rin!" Isa pang libro. "Ako rin po!" Isa pa... "Maghihintay ako!" And so on...

Nakakalahati na ako sa piles ng mga libro pero, wala pa rin akong nahanap. Mahirap hanapin ang mga larawang hinahanap ko. Hindi ko pwedeng sabihin nang direcho na asawa ng Diyos ang hinahanap ko, dahil siguradong nakatala iyon sa dragon seal. May naaalala pa akong kasabihan na nabasa ko dito. 'Patience pays its patient.' Kaya, I know na, makikita ko ito. Tsaga lang, Kale! Babayaran ni Patience ang Pasyente niya!

Flying Book, Dragon Sealed, 'Imperial Bloodlines' Point of View

Nagising ako mula sa chismis na may isang babae na naghahanap ng larawan na pinakamalapit sa puso ng Diyos!

"Malapit daw sa puso ng Diyos eh..." Sabi ni 'Davinci Code.'

"Eh, kung mayroon lang ako hindi ako matutulog eh!" Pagpaparinig ni He's Into Her.

Tch! I don't listen to a novel books! I'm a dragon sealed book! Tch! Bahala kayo diyan!

Marami pang lumapag na libro sa book dump kasama ko.

"Masarap ang kapangyarihan niya huh? Para siyang Empress!" Heaven and Earth, a picture book said!

"Weh? 'Di nga! Woah! Sana magbasa rin siya ng Novel! I heard astig ang mga kasamaya niya! Parang mga protoganist, character ko sa loob ng HU!" A novel book, 'Hell University' said.

Ang tanong? Kailangan niya ba kayo basahin? Eh ako ang kailangan basahin ng character dito! Ako lang naman ang may larawan ng mga asawa ng Diyos! Ako lang! Updated pa ako hanggang kay Goddess Lienel! Well, paano ako nakakuha? May Author ako malamang!

"Eh anong tinutulog-tulog ng isa diyan? Pa-VIP naman 'to. Eh, Empress naman pala ang naghahanap." A comedy-romance novel book, 'Diary ng Pangit' said.

"Haist, wala na si Nice... Mahilig 'yun magbasa kasama ni Kale eh. I can't believe na aakyat na sa baitang ni Nice si Kale. There's really a hidden equation na namamagitian sa kanila. We should never judge immortals by their looks." Algebra, book said.

Parang, 'never judge the book by its cover' 'yun ah, Algebra.

*****

Rafael: Grave, 32 parts na ako sa chapter 7. Hindi pa rin ako matapos sa mga scenes. Ang dami pang scenes. May mamayang gabi pa! At pakakaabangan ang paglabas ni Lienel sa Ice Palace...

Temptation Temple (Tagalog) (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora