8.19

148 6 0
                                    


"I'm an immortal..." wala sa wisyo kong tugon.

"I don't care. Do your papers and get your ID tag," sumbat pa niya.

"'Kay..." walang buhay kong sagot.

What a drag...

Lienel Teodora's Point of View

Tinabig ko na lang ang kamay ng kung anong ginagawa ni Kale sa'kin.

"Hindi ko kailangan nito," sabi ko agad. Nagulat kasi si Kale at parang nalungkot.

Tumayo ako agad at sumunod naman si Kale sa paglakad ko palabas ng kwarto. Siya rin ang nagbukas ng pinto palabas.

"You don't need to actually do it, Kale..." saway ko na parang nawawalan ng lakas. "I don't want you as my servant," dagdag ko pa na kinailing lang niya.

"Ganito lang ang alam kong trabaho, Lienel. Ano bang masama sa pagiging servant ng isang tanyag at magandang Asawa ng Diyos? Para sa'kin isa na'tong karangalan na ikakatuwa ng buong pamilya namin. Maipagyayabang na ang trabaho na 'to, Goddess. Thank you dito..." sabi niya na parang kulang na lang kuminang ang mata niya sa sobrang ganda sa pakiramdam ng sinasabi niya.

Napalunok naman ako ng laway. Para kasing huminto ang paghinga ko sa sinabi niya.

"Bahala ka nga..." sabi ko na lang at nauna nang naglakad. Sumunod naman agad ang mga katulong at guard na nakahelera sa'min. Nandito rin si Froze.

Lumingon ako agad kay Froze. Nadatnan kong nakangiti si Kale na nabigla na lang kaya bigla lalo siyang napatungo.

Anyway... "Froze," tawag ko.

"Yes, Goddess?"

"O-okay ka lang? Kasi kanina..."

"I'm okay. I trembled in fear because I'm weak. But next time, I will protect you with no fear, with everything that I have. I won't fail you again. Sorry." Tumango siya. "For a moment, I'm scared to lose my life."

Temptation Temple (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon