8.15

150 7 0
                                    

"Tch!" Inis akong tumingin kay Lucifer na nagkibit-balikat na lang habang nakangiti.

"Follow me..." hinatak na lang ako ni Lander at tineleport sa kung saan.

Kwarto ito ni Lander sa templo.

"Explain everything. I know you're working for Kaiser behind my back. Leave no stone untouched," hindi na ako magugulat sa claim ni Lander.

Pinaliwanag ko kay Lander lahat.

"What? Lucifer was inside the Temple all the time! Kumpleto kaming tatlo sa duty namin! Hindi totoo ang sinasabi mo—" sabi ni Lander. Napahinto lang siya ng pinakita ko na ang point of view ko sa kaniya.

Para siyang nagugulat habang nanonood ng mga nakita ko.

Pagkatapos niya manood, umiling siya.

"Hindi si Lucifer 'yan," sabi niya at tinitigan ako.

Sabi na...

Clone siguro o impersonator.

"Clone siguro or impersonator," dagdag pa ni Lander. "Kapag nakita 'to ni Kaiser, hindi 'yun makakagawa ng aksyon laban sa assault na ginawa sayo. This attempt should be put to naught. Bring me there," sabi niya na tinanguhan ko.

Buti na lang naka-save ang time worm na dinaanan ko. I always think ahead.

Nilahad ko na ang kamay ko sa time worm at nauna siyang naglakad papasok sa portal. Sumunod ako.

Lucifer's Point of View

Sino ang umatake kay Mart?

Anyway, kung sino man 'yon. Sobrang bold ng ginawa niya.

"Umalis muna kayo dito," pag-uutos ni Kaiser.

Tumango na lang kami ng sabay ni Gabriel at nagkatinginan pa.

"Sana wala kang kinalaman sa nangyari kay Mart," sabi ni Gabriel at natutunan pa niyang ngumiti.

Temptation Temple (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon