Hear The Sound

5.7K 59 2
                                    

Theres always been a time na magkakamali tayo ng akala because of our impression sa isang tao .. at dito mag uumpisa ang kwento ..

sometimes enough na sa atin ang marinig lang siya kahit malayo siya .. but will you let your love be happy in someones arms   ?

bakit sa iba pa ...kung pwede na man sayo hindi ba ???

" You can never be just friends with someone youre inlove with .. "
- Gerald

" Even on my weakest days, i get a little bit stronger when i listen to your voice "
-Joyce

[A/N: Minsan kasi umibig ako, pumayag sa secret relationship kaya ayun.. Hindi ko alam pa sikreto na rin pala akong tinu two time ni EX. Ang masaklap pa classmate ko ang pinalit sa’kin. Yung girl pa mismo yung nag sabi sa’kin. Bakit ba kasi ako pumayag sa secret relationship? E kasi po, di pa ako pwede mag ka boyfriend noon kaya ayun..Ang gusto ko lang naman sabihin ay---- ah basta. Basahin niyo na lang haha..

Anyways, hindi ko lovestory ang dapat na malaman ninyo. Kundi ang story na ito. . so  Enjoy..]

© All Rights Reserved 2014

------------

--Joyce's POV—

Tahimik na naglalakad ako palabas ng school, medyo gumagabi na. Nagmeeting pa kasi kami ng mga ka group ko para sa presentation namin sa P.E. ng may biglang tumawag sa’kin mga ilang metro palang ang layo ko mula sa malaking gate ng University.

" hoy .. miss hindi mo ba alam na bawal dumaan dito ? " sabi ng isang lalaki . dalawang lalaki pala ang nasa gilid noon ng daanan . hindi ko naman sila napansin .   mga may itsura pa naman. naku .. mga may itsura pa naman sana ... haissst. naka uniform din sila tulad ng uniform ko so ibig sabihin same school ko itong mga to.

" bakit .. kailan niyo pa binili ang lupang ito ? " este daanan pala.. pero bahala na nasabi ko na e. wala ng bawian. Tyaka wala akong planong mapahiya no... sinubukan kong itago ang takot sa mukha at boses ko . hindi ko naman kasi alam kung anong kayang gawin ng mga to e. isa pa , mag-isa lang ako.

" hindi mo ba kami kilala ? " tanong nung isa. Bakit , dapat ba kilala ko sila?

"first year ka no ? "    tanong rin nung  isa.

" e ano naman ngayon ?? padaanin niyo na lang ako para wala ng gulo .. " nainis na ako . ang dami nilang tanong . sayang ang oras ko .pero natawa sila sa ekspresyon ng mukha ko .sumenyas ang isa sa isang lalaki na lapitan ako .lord, tulungan niyo ako..

"wag kayong lalapit .. " mariin kong sabi.

"kami ba ang hinihintay niyo .?" biglang may nagsalita mula sa likod ko matapos kung marinig ang pagtigil ng isang makina mula sa motor.

nakita kung natuwa ang dalawang lalaki . siguro nga sila ang yun ang hinihintay nila.

" bro , bakit ang tagal niyo ? " tanong nung isang lalake . hindi parin ako humaharap. Mas lalo akong natakot. Diyos ko, baka gahasain nila ako tapos isalvage! Pano na lang ako neto?!lumingon na ako para makita kung sino ang mga dumating .. dalawang lalaki na nakasakay sa motor ang nakita ko .

" sino siya ? "   tanong nung isang lalaki ng magtanggal na niya ang helmet niya  .

ahmmmp .. gwapo siya pero mas gwapo yung huling nagtanggal ng helmet kaso nga lang mukhang masungit .. turn off? Scratch that! Don’t judge!!!

" napadaan lang siya Vince .."    sagot nung isa sa mga lalaki na nasalubong ko .

so .. vince pala ang pangalan nung isa . e sino kaya si gwapong masungit ?? hmmmm

" oh .. sige na miss pwede ka ng dumaan .. sorry ahhh napag tripan ka namin “ narinig kong sabi nung isa, pero gusto ko pang titigan yung masungit na gwapo e. parang na magnet ata yung buong mukha ko at hindi ko na maalis sa kanya e,

" miss okey ka lang ? "    ayayay lumilipad na naman ang utak ko .. tanong nung isang lalaki na nauna kung nakasalubong .

" ahhho- oo sige    "     sagot ko na lang tyaka na ako tumalikod at Nag umpisa na akong maglakad ..

hindi ko maisip na naisip kong may gagawin silang masama sa akin kanina .. nakakahiya ako >_<  sabi na e.. Don’t judge!!!

" Teka miss !!! "   

parang narinig kong tinawag ako nung vince ..hala, bakit nika ako tinatawag? Possible kayang napagtanto nila na dapat may ginawa sila?.. ano ba koyce?! Don’t Judge them!!!   bahala na nga sila basta ako tumakbo na ako pauwi dahil gumagabi na .


Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon