CHAPTER 20

958 22 0
                                    

Damn it ! hindi ako makatulog . Hindi maalis sa isip ko ang mata ng babaeng iyon . Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko. Ano bang nangyayari sa akin ??? Masyado siyang mabait .

salamat nga pala ah .

.

salamat nga pala ah ..

salamat nga pala ah ..

Urgh .. Paulit-ulit ang boses niya sa isip ko. Sa tenga ko.

Joyce, why can't I get you out of my mind ?

Joyce's POV

Umaga na naman. Pumasok na ako. Mabilis na lumipas ang araw. Tapos na ang last subject ko ng sunduin ako ni Vince sa room . May sasabihin daw siya sa akin. Kasama niya si Tristan at naiwan siya kay Regine. Siguro dapat pag-usapan namin ni Regine kung anon g meron sa kanila ni Tristan.

Hawak ni Vince ang braso ko at wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin.

Maya-maya sa wakas ay tumigil na siya. Andito kami sa Hallway kung saan kaunti lang ang dumadaang estudyante.

" Vince ? Ayos ka lang ba ? " tawag ko sa noo]y nakatalikod pa ni si Vince. Humarap na din siya ilang minute matapos kong magsalita.

" Joyce.. " nayuko lang siya. Parang may gusto siyang sabihin .

" Ano yun , sige sabihin mo na .. " pagpupumilit ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng diretso.

" Joyce, nung una gusto lang kitang maging kaibigan . pero hindi ko inaasahang mahuhulog ako sayo . "

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kong gugustuhin ko pa bang pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.

" Pwede mo bang hayaan akong mahalin ka o ligawan ka ? " sabi niya matapos niyang hawakan ang kamay ko kaya natingin ako sa kanya.

" Bakit ako ? bakit mo ako nagustuhan ? " tanong ko. At niyakap niya ako.

" It's easy to fall inlove with you joyce. " sabi niya.

Gusto ko siyang itulak para makawala sa pagkakayakap niya sa akin. Alam ko naman kasi sa sarili kong hindi ko siya mapagbibigyan, dahil may iba ng laman ang puso ko.

Hear the SoundWhere stories live. Discover now