Gerald’s POV
Tinext ako ni Joyce na sa kotse ko na kami magkita.
“ Saan mo gustong pumunta ? “ tanong ko
“ Kahit saan basta ikaw ang kasama ko . . . “ sabi niya. Nangiti lang siya. Parang may kakaiba talaga sa kanya.
Nginitian ko rin siya at nagsimula na akong magmaneho.
Syempre , doon kami pumunta sa burol na lagi naming pinupuntahan.
Niyakap ko ulit siya mula sa likod at pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.
Ilang minuto din kaming ganun . Ang sarap kasi ng hangin .
Maya-may ay umikot siya at pinulupot ang mga braso niya sa leeg ko at ang akin ay nasa likod niya sa may bewang at tulad ng dati para kaming sumasayaw.
“ Pwede mo ba akong kantahan ? “ sabi niya.
Joyce’s POV
Ngumiti lang siya at nagsimula na siyang kumanta.
I Wanna Grow Old With You --- by Westlife
“ Another day, Without your smile
Another day just passes by, But now I know
How much it means , For you to stay , Right here with me “Nakatingin lang ako sa kanya. This time ayokong pumikit.
“ The time we spent apart will make our love grow stronger “
Mamimiss ko ang gwapong mukhang to.
“ But it hurt so bad I can't take it any longer “Mamimiss ko ang boses na to.
“ I wanna grow old with you..I wanna die lying in your arms “Ngumiti ako.
“ I wanna grow old with you, I wanna be looking in your eyes
I wanna be there for you , Sharing everything you do “Tinakpan ng kaliwang mata ko ang mga mata niya. At nagsimula na akong maiyak.
“ I wanna grow old with ---- Joyce ? “ tinanggal niya ang kamay ko sa mata niya. Agad akong sumandal sa dibdib niya para hindi niya makita ang pag-iyak ko.“ Bakit mo tinakpan ang mata ko ? “ tanong niya.
“ para kahit hindi mo ako nakkita, isipin mong naririnig parin kita .. “ sabi ko at nagawa kong itago ang nangingiyak kong boses.
“ Anong ibig mong sabihin ? “ tanong niya
“ Ibig kong sabihin , kapag kumakanta ka sa harap ng maraming tao .. hindi mo man ako nakikita dahil sa dami ng magagandang babaeng manunuod sayo, Nandun parin ako at nakikinig sayo .. “ sana lagi niyang tatandaan ang mga sinabi kong to.
Hindi ko kayang isipin na masisira ko ang pangarap niyang makabuo ng sikat na banda..
“ Number one fan niyo kaya ako.. “ dugtong ko.. pero hindi kona naitago ang pag-iyak ko.
Gerald’s POV
“ Ano ba joyce? .. Umiiyak ka na naman ? “ sabi ko.
Alam kong ayaw niyang ipahalata pero sinisisi na naman niya ang sarili niya.
“ Joyce .. uy ? “ tawag ko.
“ Wag mo akong iiwan ahh .. “ dugtong ko.