CHAPTER 16

983 21 0
                                    

" Atleast , I know now .. " sabi ni Vince at hinawakan niya ang kamay kong nasa table.

Tinignan ko siya at nakita kong nakangiti siya sa akin, kaya nginitian ko rin siya. Kahit na medyo uncomfortable. Tinanggal din naman niya agad ang kamay niya sa kamay ko .

At kusang napatingin ang mata ko kay Gerald na hindi ko inaasahang nakatingin din sa akin nung mga oras na 'yon .

Nagkatinginan kami. Pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Baka malusaw ako. Pero aaminin ko , lihim akong natuwa sa ginawa niya.

Masarap ang inorder niyang pagkain. Naaalala pa pala niyang hindi ako pwedeng kumain ng kahit anong may hipon .

" Siguro dapat sa susunod hindi na tayo magsama sa iisang mesa, para hindi na naming kayo maistorbo.. " biro ni Nikki.

Nahiya ako sa sinabi niya. Wala akong intensyong magmukhang PDA.

Nagumpisa na si Nikki magkwento habang kumakain. Iniimbitahan niya kami sa kasal ng dad at step mom niya.

Sinubukan kong makinig pero hindi ko mapigilang sumulyap ng tingin kay Gerald. Na nakikita kong wala ang atensyon sa pinag-uusapan dahil nakatingin lang siya kay Vince na nakaakbay sa akin.

Hindi ko alam kung tama bang isipin kong nagseselos siya. Pero gusto ko siyang nakikitang ganun . Kaya hinayaan ko si Vince.

" But time wll come na ikaw na naman ang ikakasal, well probably with Gerald.. " biro ni Vince

At natingin ulit ako kay Gerald . Nakatingin din siya sa akin . But this time siya naman ang unang nag-iwas ng tingin sa akin . Ano ba ? bakit ba ganito...

Naalala ko , kailangan ko pa pala siyang pasalamatan.

Gerald's POV

Urgh .. Bakit ba niya hinahayaan niyang akbayan siya ni Vince.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Kay Joyce. Bakit ba palaging nagtatagpo ang mga mata namin? Those eyes .. Gusto ba niyang makita ang itsura kong ano ??

FLASHBACK

" Urgh .. Bakit ba hindi maalis sa isip ko ang babaeng iyon ? ang matang iyon ? "

" Bro , parang hindi ka naman nagmahal? " sagot ni Tristan . Nasa kotse ko siya . Sumabay siya sa akin papuntang University.

" Mahal ? "

" Oo ..Sabi ko naman kasi sayo nung una e.. Never say Never dude .. "

END OF FLASHBACK

Siguro nga tama si Tristan . pero hindi pwede, hindi . .

Kailangan ko na ring kausapin si Nikki para hindi na siya masyadong umasa at masaktan.

Hinawakan ko ang kamay ni Nikki na nasa lamesa . Ngumiti siya at tumingin sa akin.

Siguro dapat ko siyang hayaan na sumaya kahit ngayong gabi lang bago ko sabihin sa kanyang wala talaga akong gusto sa kanya.

Dahil ..... dahil ........... dahil ......... ahh basta ..

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon