CHAPTER 53

908 17 0
                                    

Joyce’s POV

 

“ Miss sandali lang .. “   sabi niya at hinila niya ako.

Napaharap ako sa kanya. At nakita ko ulit ang gwapo niyang mukha. Hindi katulad kaninang nasa stage pa siya, mas malapit siya ngayon.

Bumagsak ang buhok ko sa balikat at likod ko matapos matanggal ang sombrero ko sa lakas ng paghila niya sa akin .

Lakas kasi ng hatak e.. natingin lang ako sa kanya.

Namiss ko siya. Ang lahat lahat sa kanya. Ilang Segundo na lang ay papatak na ang mga luha kong kanina pa nagbabadya.

“ Joyce ? “    tanong niya.

Oh .. no .. ang tawagin niya ang pangalan ko? . I super miss this.

Tinanggal niya ang shades ko gamit ang dalawang kamay niya.

“ Joyce ? “   sabi niya ulit . At tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.

“ Joyce .. Joyce .. Joyce .. “    niyakap niya ako ng mahigpit.

Niyakap ko rin siya. Umiiyak na rin siya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. Naisip ko tuloy ang itsura niya nung nalaman nilang patay na ako.

“ Joyce ? “

“ Hmmmm ? “

“ Wag mo na ulit akong iiwan ahh .. “  sabi niya.

Tumingala ako sa kanya. Ang gwapo niya parin.

“ Hindi naman talaga kita iniwan diba ? “  sabi ko.

Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko.

“ I love you Joyce .. “   sabi niya.

Oww.. namiss kong marinig yun .

“ I love you sungit .. “  sabi ko.

“ Pero gwapo naman .. “  dugtong niya.

Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya. Tulad ng dati para kaming sumasayaw. Nilapit niya ang noo niya sa nook o kaya magkadikit na ang mga ito.

“ I’m so lucky to be love by the most beautiful girl in the world .. “  kanta niya. Yung kanta sa bingo commercial.

Ngumiti ako. Namiss ko to.

“  I love you more Mr. Padilla “  sabi ko.

Mas nilapit niya ang mukha niya sa  akin at pumikit siya. Pumikit rin ako. At naramdaman ko nalang ang mga labi niya sa labi ko.

Namiss ko to . >_<

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon