SOA-C4 (5/7/19)
Janeze P.O.V
Paggising ko kaninang umaga wala na sa tabi ko si Charles ,hinanap ko na siya sa buong unit ko pero wala, nang tawagan ko siya ay hindi siya sumasagot dahil yung cellphone niya nandito sa kama
Oh My ! Nasan na ba yung batang yun? Lagot talaga sakin yun pag nakita ko siya
Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay lumabas na ko ng unit ko para hanapin si Charles
Ng makalabas ako ay nagulat ako ng makita ko si Charles na palabas dun sa katabing room ng unit ko,at hindi lang yun may kasama siyang lalaki pero nakatalikod kaya hindi ko alam kung sino
Anong ginagawa niya dun? Ba't nandun siya kaclose niya na ba yung nakatira dun? Ano agad agad?
Ng humarap sila dito sa banda ko ay nagulat ako ng makilala kung sino yun
K-keifer? Halah! Tulog pa ba ko? Nanaginip lang ba ko kasi kung panaginip lang toh gusto ko ng magising
Pasimple kong kinurot ang pisngi ko at nasaktan lang ako dun
So? Totoo nga? Nandito na nga pala talaga siya, siya pala talaga yung nakita ko kahapon
"Ate, gising ka na pala?" Lumapit silang dalawa dito sa tapat ko,ba't lumapit pa siya? Oh my! Oppsz wag papa apekto
"Di ba halata? At tsaka sino yang kasama mo?" Yan acting muna tayo , kunware di natin siya kilala , di na dapat talaga natin siya kilala yung parang nagka amnesia Haha
"Ate? Di mo siya kilala?" Tanong ni Charles
"Hindi, sino ba yan?" Mataray na tanong ko
"Huh? Ewan ko sayo ate, si kuya Keifer nga pala ate-_-"inis na sabi ni Charles
"I'm Keifer your ex boyfriend." Nagulat ako sa sinabi ni Keifer ,ba't niya ba sinasabi yan
"Ahh I know" sagot ko nalang at tatalikod na sana para pumasok na sa loob ng unit ko
"Wait , di mo ba ko namimiss MAL?"seryosong tanong niya at diniinan pa yung pagkakasabi niya ng MAL
Wow ang kapal ng face , may gana pa siyang tawagin ako ng ganun? Eh siya ang unang bumitaw samin , walang siyang kwenta! Oppsz
"Hindi kita namimiss, at tsaka pwede ba wag mo na ulit akong tatawagin ng ganyan"inis na sagot ko ng hindi lumilingon sakanya at tuluyan ng pumasok sa loob
Di ko pa nasasara ng mabuti ang pinto ng pumasok silang dalawa ng kapatid ko
"Anong gagawin niyo dito Charles?"inis na tanong ko
Epal naman toh si Charles , pinapasok pa talaga yang lalakeng yan dito tss
"Manonood kami ate, at tsaka maglalaro ng ps4"sagot ni Charles at dumiresto na dun sa may tv
Tss lagot talaga tong si Charles sakin mamaya tsk epal!
Dahil wala naman akong magagawa,pumunta nalang ako sa kusina para magluto ng pagkain , dinamay ko na rin sila mamaya sabihin nila napaka sama kong tao
Pagkatapos kong magluto ng spaghetti at magtimpla ng juice ay dinala ko na yun sakanila
"Oh kain na kayo" sambit ko habang nilalapag ang pagkain sa mesa sa tapat nila
"Salamat ate"
"Thanks Mal"
Sabay na sabi nila bago kainin yung dala ko
![](https://img.wattpad.com/cover/185524780-288-k20326.jpg)
YOU ARE READING
Start Over Again ( ON GOING)
Teen FictionPano kung ang mag ex mag kita after 6 years ? Will they start a new beginning or not ? Mamahalin pa kaya nila ang isa't isa matapos ang nangyare? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Start : April 24,2019 End : (ON GOING!)