CHAPTER 5

4 0 0
                                    

SOA-C5 (5/8/19)

Janeze P.O.V

Paggising ko hindi ko na nakita si Keifer , baka bumalik na siya sa unit niya

And ehem close nga pala kami nung kapatid niyang si Vynizhe yah girl siya ,same age sila ni Charles

At alam niyo ba na first love daw niya si Charles , ewan ko lang ngayon kung mahal niya pa si Charles Haha

Sana sila magkatuluyan bagay pa naman sila,pag naging sila talaga magpapa party ako Hahaha charot

Tatanongin ko nga yun mamaya , kung nakarating na ba si Vynizhe

Pag punta ko sa kusina ay nadatnan ko si Charles na kumakain , wow di man lang ako hinintay

"Huy Charles! Di mo manlang ako hinantay baliw ka"

"Ate mas baliw ka,kay kuya Keifer. Ang tagal mo kasi ate kaya nauna na ko" sagot niya at bumalik sa pagkain

"Tss epal"bulong ko at kumain na

Habang kumakain kami napansin ko na nagmamadali siya,ewan ko kung bakit, nababaliw na ata HAHAHA

"Bakit ka nagmamadali? May lakad ka ba?"tanong ko

"Wala naman,pupunta kasi ako sa unit ni kuya Keifer"

"Ahh,anyway nakarating na ba si Vynizhe?"

"Yup,kaninang umaga lang"

"Pagpunta mo dun sabihan mo si Vynizhe na pumunta dito"utos ko

"Eh? Sumama ka nalang"

"Sasabihin mo lang aber,ayokong sumama baka makita ko pa yung animal dun"

"Bala ka sumama ka nalang,miss mo lang si kuya Keifer eh kunware ka pa"

"Tse! Manahimik ka na nga jan,sampalin kita jan eh"tumawa lang siya at nagmadaling tumayo

Tumayo na rin ako at hinugasan yung pinagkainan namin

Pagkatapos maghugas ay naligo na ko at nagbihis

(A/N: yung nasa taas po yung suot at ayos ng hair niya thanks)

Pumunta na kami ni Charles sa kabilang unit at kumatok,si Charles yung pinakatok ko di kami close ng nakatira jan eh tss

Pagka tatlong katok ni Charles ay bumukas na yung pinto at si Vynizhe yung nagbukas

"Hi Charles , Hi ate Chane" pagkasabi niya nun ay nakipagbeso siya sakin at pinapasok na kami sa loob alangan namang pinapasok kami sa labas diba? Char lang

At kung nagtataka kayo kung bakit yung second name ko yung tinatawag niya sakin ay dahil para siya daw yung naiiba , ewan ko dun nababaliw na Hahaha

Kung tinatanong niyo kung nasan yung magaling kong kapatid ayun kasama na nung unggoy na yun

"Nice to meet you again ate Chane"nakangiting anya

"Long time no see Vynizhe"nginitian ko rin siya at umupo na kami kasama nung dalawa

Napapagitnaan ako ni Vynizhe at Keifer -_-

Gusto ko nga sanang makipagpalit ng upuan kay Vynizhe kaso nakakahiya baka sabihin niya di pa ko nakakapag move on

Habang nag-uusap kami ni Vynizhe ay biglang pinolupot ni Keifer yung kamay niya sa bewang ko kaya nagulat ako

Muntik pa kong mapatayo buti nalang napigilan ko,agad ko naman siyang tinignan at sinamaan ng tingin

Start Over Again ( ON GOING)Where stories live. Discover now