SOA-C9 (11/5/19/ )
Janeze P.O.V
Pagkatapos naming mag-usap ni Mom ,agad siyang sumunod kay Papa at ibahagi ang sagot ko rito
Ipinaliwanag na sakin ni Mom lahat,siguro nga hindi muna ko nanghusga ng nararamdaman ng iba,di ko naman kasi ito hawak para malaman ko ang nilalaman nito
Nang umalis si Mom ay pumunta ako sa Veranda upang kausapin si Keifer
Agad naman akong nakita nila Charles kaya agad silang umalis ni Vynizhe at iniwan nila kami ni Keifer
Siguro,alam nilang kakausapin ko si Keifer
“Keifer” pagtawag ko rito,agad naman niya kong nilingon at hinila ko siya sa kwarto upang dun mag-usap ,alam ko kasing babalik yun sila Charles,may pagka chismoso pa naman yung batang yun hehe
At tama nga ko ,nakita ko silang nagtatago sa gilid , kunware nalang di ko napansin at dumiretso nalang kami sa kwarto
Pagpasok namin sa kwarto si Keifer na ang unang nagsalita
“Bakit? Anong gusto mong pag-usapan natin?”
“Pumapayag na ko sa kasal”agad kong sagot at di na nagpaligoy ligoy pa boom Kara karaka ,charot
Yes,pumayag na ko sa kasal na gusto nila,wala naman sigurong mali para tumanggi pa ko
“Talaga?”gulat na tanong niya
“Yes” sagot ko at agad na ngumiti
“So? Tayo na?”nagulat naman ako sa sinabi niya,kaya agad ko siyang binatukan
“Ang bilis mo naman? Hindi ka pa nga nanliligaw eh?”
“Edi bukas na bukas ,aakyat na ko ng ligaw?” agad naman akong natawa sa sinabi niya
“Seryoso ka ba jan?” tanong ko
“Oo, seryosong seryoso”
“Ayy,wag ka ng manligaw”
“Bakit naman?”
“Kasi di naman kita sasagutin” agad naman siyang nanlumo sa sagot ko
“Huh?”
“Basta, di pa ko handa,matapos mo kong lokohin noon sa tingin mo magtitiwala ulit ako agad sayo? Eh kung noon nga naloko mo ko,ngayon pa kaya na nagawa mo na yun”
“Ouch,busted agad”at umakto pa talaga siyang nasaktan,may pahawak hawak pa sa puso hayy nako
“Biro lang, pero siguraduhin mong di mo na ko lolokohin ulit ha? ”
“Yes,boss”agad naman akong natawa dahil may pasaludo pa siyang nalalaman
“Hayy sus dami mong kalokohang alam Boyfriend” agad naman siyang nagulat sa sagot ko
“Tayo na?”
“Bakit? Ayaw mo ba?” alam niyo? Walang official date na naghiwalay kami ni Keifer. Remember,noon hindi ako pumayag nung nakikipaghiwalay siya sakin? Kaya kami parin talaga hanggang ngayon
“At tsaka,di naman tayo naghiwalay noon diba?”
“Opo”pagkasabi niya nun,agad siyang lumapit sakin at niyakap ako
![](https://img.wattpad.com/cover/185524780-288-k20326.jpg)
YOU ARE READING
Start Over Again ( ON GOING)
Teen FictionPano kung ang mag ex mag kita after 6 years ? Will they start a new beginning or not ? Mamahalin pa kaya nila ang isa't isa matapos ang nangyare? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Start : April 24,2019 End : (ON GOING!)