SOA-C6 (5/25/19)
Janeze P.O.V
Nandito na ko sa condo ngayon nagbibihis na kami ni Charles para mamaya sa dinner na pupuntahan namin
It's 5:57 pm
At alam niyo ba dalawang oras kaming nagtalo ng mga yun
Nakakainis kasi ayaw nilang maniwala sakin,kaya hanggang ngayon ang alam parin nila nagkabalikan na kami ni Keifer kahit ang totoo never na kaming magkakabalikan
Napaka sinungaling talaga ng lalaking yun,akala niya naman babalikan ko pa siya? No way
Kaya lang naman ako naka balik dito kasi tumawag ulit si Mom na mag-ayos na raw kami dahil susundoin daw kami ng driver namin mamayang 6:00 pm
Kaya ayun nakabalik kami,pero hanggang sa makabalik ako dito di parin natapos yung kasinungalingan na yun
Sabi nila kanina kahit daw anong sabihin ko hindi daw sila maniniwala sakin, diba? Mas naniniwala pa sila sa lalaking unggoy na sinungaling na yun
Wala tuloy ako sa mood ngayon nakakainis talaga! Wag na wag talagang magpapakita ang ulupong na yun sakin
Tss wag na nga nating pag usapan pa yun lalo lang akong mawawala sa mood eh
Pagdating ng sundo namin ay dinala na kami sa hotel na sinabing venue ng dinner na sinabi ni Mom
After 20 minutes ay nakarating na rin kami , agad naman naming nakita sila Mom dahil di naman ganun kalayo yung pwesto nila
"Mom nasan na po yung mga kaibigan niyo?" Tanong ko dahil silang dalawa lang ni Dad ang nandito
"Wala pa,pero parating na sila" tumango nalang ako at nilibot ang tingin sa hotel
Hindi naman ganun kalaki yung hotel pero sobrang ganda nung furnitures halatang pang mayaman tong hotel na toh
After 10 minutes of waiting...
"Oh nanjan na pala sila"agad namang tumayo si Mom and Dad at nakipag beso sakanila,tumayo din naman kami agad ni Charles at nakipag beso na rin sakanila
Bakit nandito yung mga magulang nila Vynizhe? Bakit hindi sinabi nila Mom na sila pala yung kasama naming mag dinner buti wala yung anak nila
Parang gusto ko namang magpakain sa lupa dahil nakita ko si Vynizhe at Keifer sa may entrance
Agad naman silang lumapit dito at tila gulat na gulat ang itsura nila
Ng makalapit sila ay tumayo sila Mom at nakipag beso sakanila tumayo naman din kami dahil baka magalit si Mom nakipag beso din kami sakanila kahit labag sa loob ko na makipagbeso kay Keifer
Agad naman silang umupo sa katapat namin ni Charles and ehem katapat ko si Keifer -_- tss kung minamalas ka nga naman
Nagkwentuhan lang naman sila Mom habang hinihintay yung pagkain,kaming apat? Eto tahimik lang ,tulaley dahil pare-parehas kaming gulat
Naramdaman ko namang parang nakatitig si Keifer sakin,ewan ko ba kung totoo yun o guni guni ko lang
Nailang naman ako ng makompirma kong nakatingin siya sakin
Ano ba naman yan nakaka ilang naman tong dinner na toh pinagsisihan ko tuloy na sumama pa ko
Pagdating ng pagkain ay kumain lang kami ng tahimik yung mga magulang lang namin yung nag-uusap
Ang daldal talaga nila Hahaha charot lang
Habang kumakain ay bigla akong tinanong ng mama ni Keifer
"So kamusta ka naman Janeze?"
"I'm fine po tita ikaw po?"
"I'm fine too,so do you have a boyfriend?"agad naman akong natahimik
Sasagot na dapat ako ng si Keifer ang sumagot na ikinagulat
"Yes Mom,ako yung boyfriend niya"
"Nagkabalikan na kayo kailan pa?"
"Kanina lang po" Wah! Ayoko na!
"That's good" agad namang ngumiti si tita at tinapos na ang pagkain
Sinamaan ko naman si Keifer ng tingin,nginisian niya lang ako at bumalik sa pagkain
Nang matapos kaming lahat kumain ay kinausap na naman ako nila tita
"Akala ko di na kayo magkakabalikan ng anak ko"
"Po? Hindi po kami"
"Wag ka ng magsinguling Mal,sabihin na natin sa kanila" pagkasabi ni Keifer nun ay agad niya kong nginisian
Agad ko namang narinig na natawa sila Charles at Vynizhe kaya sinamaan ko sila ng tingin kaya agad silang tumahimik at pinigilan ang tawa
"Anyway,may sasabihin kami sainyo"-Mom
Tumahimik lang kami at di kumibo
"You and Keifer will getting married"
'You and Keifer will getting married'
'You and Keifer will getting married'
'You and Keifer will getting married'
'You and Keifer will getting married'
"WHAT?!" Gulat na gulat na sabi ko,at agad na napatayo
"Are you kidding?"dagdag ko sa sinabi ko,wala akong pake alam kung nasa amin na ang atensyon ng lahat,hindi ako makakapayag na mapangasawa tong lalaking toh
"Maniwala ka man o hindi? Totoo yun at pumayag ka man o hindi ? Matutuloy ang kasal that's final" sagot ni Mom at agad na nagpaalam papuntang restroom
Agad namang namayani ang katahimikan
Hindi ako papayag?! Bakit kailangan kaming ikasal? Hindi ako papayag na ikasal ako sa taong hindi ko mahal
Ayokong maikasal sa taong hindi ko mahal,ang kasal ko ay importante sakin kaya hindi ako papayag
Hayys pano kung naluluge na yung company namin? Hahayaan ko ba yun para sa kasayahan ko? Hahayaan ko bang malugi yung kompanya namin para lang sumaya ako?
Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Naka uwi na kami't lahat lahat pero ito ako tahimik parin at nakatitig sa kawalan
Nakahiga ako ngayon katabi ni Charles tulog na siya at 12:30 am na pero ito ako dilat na dilat at inaalala ang mga nangyari kanina
Bakit ba kasi sakanya ko pa kailangang magpakasal eh,bakit sa ex ko pa? Wala na bang makakapigil dun?
Kung magjowa kaya ko? Or maglayas? Ayy wag na baka mamolube pa ko
'You and Keifer will getting married'
'You and Keifer will getting married'
'You and Keifer will getting married'
Paulit ulit na namang bumabalik sa isip ko yan,hindi na ba mawawala sa isip ko yan? Forever na ba yan? Hindi walang forever lifetime lang meron
Ayoko talagang magpakasal!! Kung itulog ko nalang kaya toh? Baka sakaling bukas magising ako at malaman na panaginip lang pala yun? Kaso kahit anong pilit kong matulog hindi parin talaga ako makatulog
Hindi naman ako pwedeng sumaway sa magulang ko,alam kong gagawin nila ang lahat mapapayag lng ako
Pero papayag ba talaga ko? Help me! Di ko na alam ang gagawin ko, gusto kong sumigaw hanggang sa maubos yung boses ko pero di ko naman magawa kasi baka magising si Charles sa tabi ko,magalit pa yan edi lalong madagdagin iniisip ko?
Ano na bang gagawin ko?
Papayag ba ko o hindi?.....
~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: I wrote this story with my own mind,my own ideas,my own invention and with my own imagination.Any resemblance to actual persons,living or dead or actual events are purely coincidental.These Are All Fiction
YOU ARE READING
Start Over Again ( ON GOING)
Teen FictionPano kung ang mag ex mag kita after 6 years ? Will they start a new beginning or not ? Mamahalin pa kaya nila ang isa't isa matapos ang nangyare? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Start : April 24,2019 End : (ON GOING!)