Chapter 22

1.2K 43 0
                                    

Senate and Congress



"Tita—anong ginagawa mo rito?"

Para akong aatakihin sa puso nang makita ko si Grant sa pinto ng bodega kung nasaan ako. Akala mo na naman tinatambol ang aking puso dahil sa bilis ng pagtibok noon. Idagdag pa ang mga kulisap na muli na namang nagwawala sa loob ng aking tiyan.

Tama, nagpunta ako rito para mawala siya sandali sa utak ko, pero paano? Anong ginagawa niya rito?

"What are you doing here?" tanong nito sa isang baritonong boses. Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Nang tingnan ko siya ay seryoso rin ang tingin niya sa akin. Malamang dito ako nagtatrabaho, tinatanong ba 'yon? Bigla naman akong na-intimidate sa paraan niya nan pagtitig sa akin.

"Nagtatrabaho," maikli kong sagot. Saka hindi ba at ako dapat ang nagtatanong kung anong ginagawa niya rito? Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at itinali iyon sa aking mukha para hindi ko malanghap ang mga alikabok. Napansin kong may mga kahon na na may laman at may label din 'yon. Sino naman ang nag-ayos noon? Si Ma'am Sav?

Sa gilid ng aking mata ay napansin kong ibinaba niya ang bag niya sa isang bakanteng upuan. Binuksan din nito ang polong suot. Parang gusto kong magdasal sa mga oras na 'yon dahil sa mga naiisip ko. Para akong kakapusin ng hininga dahil sa mga pinag gagagawa niya at hindi ko talaga mapigilang hangaan siya. Kaya naman tinanggal ko ang panyo na ikinabit ko kanina.

"I-Ikaw?"

Gusto kong sakalin ang sarili ko nang kusa 'yong lumabas sa bibig ko. Sam? Totoo ka ba? Ganyan ka kadesperada marinig ang boses niya? Talaga? At kung magwala ang puso ko, akala mo hindi ako ini-snob ng isang 'to kanina.

"Binabasa ko ang mga article dati."

Grabe talaga. Isang tingin at pagkausap niya lang sa akin, ayos na kaagad. Parang hindi nangyari ang pambabalewala niya sa akin kanina. Ganito ba talaga pag nagkakagusto ka sa isang tao? O ito yung sinasabi ni Alvah na marupok?

"Ikaw ang nag-ayos ng mga 'yon?" sabay turo ko sa mga kahon matapos ang tanong ko. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin at huminto sa tapat ko. Hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata. Ang akala kong mabilis na pagtibok ng puso ko kanina ay lalo pang bumilis. Sa sobrang bilis ng pagtibok noon ay masakit na, masakit pero sa magandang paraan.

"Akala ko babalik ka."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Babalik saan? Huwag mo sabihing... nakita niya ang nangyari kanina? Siya ba 'yong nasa club? Ibig kong matawa. Kilalang-kilala na siya ng sistema ko kaya pala kanina ay kakaibang kaba ang naramdaman ko bago ko makita si Wayne.

"N-Nakita mo 'yon?"

Mas lalo akong nawalan ng lakas ng loob na tumingin sa kanya dahil mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Ano bang nangyayari? Bakit mo ko ginaganito?

"Hmm? Yes," sagot niya sa isang mababang boses.

Kaunti na lang talaga at aatakihin na ako sa puso. Kung ano-anong mga bagong pakiramdam ang ginigising sa akin ng lalaking 'to. Mga pakiramdam na hindi ko mapangalanan pero alam kong nararamdaman ko dahil gusto ko siya. At nararamdaman ko para lang sa kanya.

Nahihirapan na akong pakalmahin ang sarili ko pero sobrang komportable na ganitong malapit siya sa akin.

"W-Wala lang 'yon..." sagot ko na parang kinukumbinsi siya na wala siyang nakita kanina. Kulang na lang magsisigaw ako dahil hindi ko na kaya ang mga pinaparamdaman niya pero hindi pwede!

"Okay, then."

Para akong binagsakan ng langit at lupa nang lumayo siya sa akin. Grant, 'yon na ba 'yon? Todo na? Nakakapanghinayang. Kaagad ko namang iwinaksi sa isip ko lahat ng mga kalokohang pinagsasabi ko sa isip ko. Sama ka kasi nang sama kay Alvah, ang sabi ko sa sarili.

"Anong gagawin dito?" bigla niyang tanong. Hindi pa ako nakakamove-on sa ginawa niya pero ito siya at parang wala lang sa kanya ang ginawa niya. Pinaglalaruan niya ba ako?

Huminga ako nang malalim bago sumagot.

"Arrange the newspaper and tapes by date and then ilalagay sa kahon," sagot ko sa kanya.

"Then mali ang pagkakaayos ng mga 'yon." Itinuro niya ang mga kahon na nakita ko kanina.

"That was arranged randomly." Akala ko pa naman nakaayos na ang mga 'yon by date.

"Umuwi ka na," sabi ko sa kanya. Hindi ako makakapagsimula ng gawain kung nandito siya. Kung saan-saan na naman niya paliliparin ang utak ko.

"What?" tanong niya, bahagyang nagkaroon ng buhay ang boses niya kumpara sa mga pag-uusap namin kanina.

"Go home."

"What? I'm not going home," sagot niya sa akin na puno ng conviction na parang nakikipag-usap lang sa nanay niya.

"Ako ang nagtatrabaho dito, so, umuwi ka na."

"What, you're the congress now? Ikaw na ang gagawa ng batas?" Tinaasan ko lang siya ng kilay upang pagtakpan ang tuwa na hindi ko na ma-contain dahil sa mga pinagsasasabi niya.

"I'm the son of the owner. I'm the senate. I decide what I'll do."

"Misuse of power," bulong ko sa sarili ko.

Nang tumalikod siya sa akin ay gusto ko na lang maupo at i-drawing ang likod niya. Reference!

"So, Congress, any suggestions kung ano ang gagawin natin dito?" tanong niya nang hindi ako tinitingnan. Pinagmamasdan ko lang kung ano ang gagawin niya.

"Congress?"

Hindi ko alam pero mas gusto ko yatang naririnig na tinatawag niya akong congress kaysa sa pangalan ko. Ang rupok!

"Yes, senate?" sagot ko. Napansin ko naman ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya dahil doon. Muling nagbunyi ang mga paruparo sa aking tiyan nang makita ko iyon. After two weeks, ngayon ko lang ulit 'yon nakita.

"Ah,sabi ko nga," sabi ko nang ma-realize kong tinatanong niya nga pala ang gagawin namin.

"Okay. Hmm... Unahin muna siguro nating i-arrange 'yong tapes since dalawa naman ang radyo na nandito saka mukhang mas kakaunti ang tapes kaysa sa newspaper. Pero sa tingin ko kailangan muna natin maglinis."

Nakita ko kasi na 'yong mga newspaper ay ilang shelves din at ang mga tapes ay isang kahon lang. Tumango lang siya at inayos niya ang mga nakakalat na mga furniture at mga papel na nasa sahig.

Nang matapos kami sa paglilinis ay alas nueve na rin. Ang dami niyang binuhat at pagtingin ko sa room ngayon, maayos na 'yon saka makikita mo rin kaagad ang mga kailangan namin ayusin.

"Good job, Congress."

Napansin ko naman na hinihingal siya. Medyo nahihiya ako sa naisip ko pero hindi naman siguro siya maselan, diba? Saka mag-aalok lang naman ako.

"Water?" inabot ko sa kanya ang tumbler ko gamit ang braso ko na nasaksak noong Sabado. Akala ko ay aabutin niya ang tubig na inaabot ko sa kanya pero hinila niya ako palapit sa kanya. Muli na namang kumalabog ang dibdib ko nang dahil sa lapit namin sa isa't isa.

Pagkalapit ko sa kanya ay itinulak na naman ng dalawa niyang daliri ang noo ko. Napahawak ako sa noo ko gamit ang kabila kong kamay.

"You always make me worried. Next time don't come chasing over things that might hurt you. I won't—"

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko doon si Tita Rhea. Wala pang isang segundo ay napalayo kami ni Grant sa isa't-isa.

"Uhm..." awkward kong panimula.

"Good night, Congress. I'll see you tomorrow." Ngumiti ito at nauna nang lumabas. Napahawak naman ako sa dibdib dahil doon.

"Nako, ikaw ha!"

"Tita naman..."

Habang pauwi ay naalala ko ang sinabi ni Grant. Ano na naman 'yon? Ang galing mo talaga manggulo ng feelings.

Write Me a HeartacheWhere stories live. Discover now