Chapter 29

1.2K 48 0
                                    

Will You Be



Mahirap ang pinagdaanan ko sa sumunod na linggo. Pakiramdam ko ay alien ako sa kaparehong bahay na tinirahan ko sa loob ng ilang taon. Pero salamat kay Dad, kila Nana Fe at ilang mga kasambahay dahil tinanggap pa nila ako.

Ang problema lang talaga ay ang mga magulang niya. Masakit sa kalooban ang tanggihan ng sarili mong kadugo kaya naiintindihan ko kung bakit sa halip na ipagpatuloy ni Mama ang relasyon niya kay Dad, mas pinili niyang umalis. Ang hirap nga naman kasing ipagsiksikan ang sarili mo sa isang bagay na ayaw ka naman tanggapin.

"Water?" alok ng babaeng kaharap ko sa akin. Pinagmasdan ko ito at hindi mapigilang humanga. Sa sobrang ganda niya, hindi na ako nagtaka kung bakit siya pakakasalan ni Dad. Ang sabi ko noon ayaw ko nang mapagsabihan na magkamukha kami pero ito siya at noong una kong makita ay maikli rin ang buhok kagaya ko.

Ilang linggo na akong sinasama ni Dad sa mga motorcade para sa campaign. Hindi na rin ako pumapasok sa school dahil nag-hire siya ng isang private tutor para sa aking home schooling. Wala akong alam na ganoon ang mangyayari pero hindi naman ako kinonsulta ni Dad doon. Siguro sa tingin niya ay 'yon ang makakabuti sa akin.

"Thank you po." Ngumiti ako. Bumalik ito sa pagtingin kay Dad at ako ay nanatiling nakatitig sa kanya. Pakiramdam ko mahal na mahal niya si Dad. Kakaiba kasi ang mga tingin niya at para bang wala siyang ibang nakikita kung hindi ito lang. Kaya ngayon naisip ko, baka ganoon ang itsura ko noong sinundo ako ni Grant sa room namin bago ang foundation week.

Kuma-kandidato si Dad sa pagiging Senator. Nito ko lang din nalaman na lawyer pala siya kaya nagulat ako. Medyo na-realize ko rin na hindi rin naman din pala ako nag-effort na mapalapit sa kanya noon. Pero hindi rin naman nakakagulat na hindi ko alam dahil kailan lang ako napalapit sa kanila.

Pagbaba namin sa isang gymnasium kung saan gaganapin ang campaign kasama ang iba pang mga running for Senator, kasabay niya kaming bumaba ni Tita April. Magkahawak pa sila ng kamay at nakita ko pang namula si Tita April noong gawin iyon ni Dad.

Naalala ko na naman si Grant. Bakit ba lagi na lang 'yon sumusulpot sa utak ko? Naalala ko ang unang beses niyang hawakan ang kamay ko—noong muntik na akong mabagsakan ng tubo. Pakiramdam ko noon sasabog ako sa sobrang kaba at tuwa. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko noon. Pero sa tingin ko, sapat na sa akin ang mga alaalang iniwan niya kasabay ng pag-alis ko.

"Sam?" Napabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Tita April. Kaagad akong sumunod sa kanila at nagulat na lang ako nang akbayan ako ni Dad. Medyo nahiya ako kasi hindi naman alam ng iba na anak niya ako. Nang masilip ko si Tita April, nakangiti siya at magkahawak pa rin sila ng kamay.

"Dad... Okay lang po ba 'to? Baka po—"

"It's fine." Ngumiti pa ito sa akin. Lahat ng pangamba ko ay nawala. Siguro ganoon talaga pag mismong tatay mo ang kasama mo, hindi ba?

Napansin ko ang ilang mga tao na gustong magpa-picture kay Tita April pero parang natigilan sila sa nakikita nila. Nahiya naman ako bigla kaya napayuko ako. Tinawag na rin si Dad para magsalita sa taas at sabihin ang mga plataporma nila. Pag-akyat nga niya sa stage ay nagtilian ang mga tao.

"I'm so proud of him," biglang sabi ni Tita April sa akin at saka lumingon. Ngumiti ako. Ako rin, proud din ako sa kanya.

Sa mga survey kasi ng Pulse Asia, kahit bago pa lang ang pangalan niya, pumapasok siya sa top twelve ng mga Senators. Pero kahit ganoon, hindi pa rin sila kampante. Nagbiro nga si Dad na mainam daw kung hindi siya manalo dahil gusto niya munang magpahinga, pero sa nakikita ko... Gustong-gusto niya ang ginagawa niyang pagsisilbi sa bayan.

Nagulat naman ako ng i-abot ni Tita April sa akin ang isang invitation. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"Open it..."

Pagbukas ko ng invitation ay nakalagay doon ang pangalan nila ni Mayor. Napangiti ako nang maluwag sa nakita.

"Your father proposed to me about being his wife, but I want to ask for your permission too," sabi niya sa akin. Hindi naman nawala ang ngiti sa aking labi dahil masaya naman talaga ako para sa kanila.

"Opo naman. Alam ko pong mapapasaya mo si Dad," sabi ko sa kanya. Pero sa gulat ko, hinawakan nito ang aking kamay at tumingin nang diretso sa akin.

"Will you be my daughter?" Nawala ang ngiti sa aking mukha at hindi ko kaagad malaman kung ano ang dapat kong maging reaksyon.

"I-It's okay if you don—"

"Hindi po gano'n! It's just that... Nagulat po ako sa sinabi niyo... Sa buong buhay ko po naghahanap ko ng isang ina but here you are..." Parang gusto kong maiyak sa sobrang tuwa dahil sa mga sinasabi niya.

"S-So, that's a yes?" nakangiti nitong tanong sa akin. Sunod-sunod ang naging pagtango ko sa kanya. Muli kong tiningnan ang papel at nakatapat iyon sa araw ng birthday ko at ang araw bago ang eleksyon.

"It's on my birthday po?"

"Yes, we are planning to introduce you as our daughter, Sam."

Napayakap ako sa sobrang tuwa sa sinabi niyang iyon. Mama... may tumanggap na sa akin. Natutuwang niyakap din ako ni Tita April pabalik at saka hinaplos ang aking ulo.

Promise, mama, hindi kita makakalimutan.

"I want to express my gratitude to my loved ones—on that side." Nagtinginan ang mga tao sa gawi namin at natatawang humiwalay kami ni Tita April sa isa't isa nang itiniuro ni Dad ang gawi namin.

"April, my fiancee, thank you for your love and support, and my daughter, Sam, thank you for giving your father a chance."

Nagpalakpakan ang lahat at ako naman ay hindi makapaniwalang nakatanaw sa stage. Ipinakilala niya akong anak niya? Totoo?

Pormal nang nagsimula ang miting de avance ng mga kumakandidatong senador at kanya-kanya sila ng mga inihandang speech. May mga kasama rin silang mga senador na ini-endorso sila sa madla dahil sa mga commendable na nagawa ng mga ito. Naagaw lang muli ang aking atensyon ng muling magsalita si Dad sa harap.

"I am not asking all of you to vote for me, what I really want is for you to vote for the right person who will serve this country with love and honesty. Habang nagbabasa ako ng mga articles about election, may nadaanan akong isang editorial article."

Huminto pansamantala si Dad at kinuha ang cellphone niya na nasa kanyang bulsa.

"I guess, the writer is about eighteen or nineteen years old. A teenager. Nowadays, bihira nating makita na ang mga kabataan ay nakikisangkot sa mga political matters, but this guy, natuwa talaga ako after reading his article."

Focus na focus kaming nakikinig ni Tita April habang nagsasalita si Dad.

"He said, this election is not about the candidates who will run for the government position; it is about the people who will elect the candidates who they think will serve the country with all honesty."

Napangiti ako. Naalala ko si Grant. Senate, how are you? Hindi ka sumagot sa letter ko. Pero... ang kapal naman ng mukha kong umasa sa reply. Napatawa ako.

"If you want to read more about this article, visit the page Verdad. The writer's name is Grant Issachar Ortega."

Senate...

Write Me a HeartacheWhere stories live. Discover now