Astraea POV
Lumabas na ako ng classroom at kasabay ko ngayon umuwi si amy. Habang naglalakad kami sa hallway ay may tatlong babaeng humarang saamin.
"What?" Ani amy. Hinawakan ko ang braso niya ng makita ko ang pag arko ng kanang kilay niya at ang pag ngisi nito.
"Transfer palang kayo pero ang lakas ng loob niyong landiin si kaiden! Lalo kana!" Aniya sabay turo saakin.
"Kasalanan ba naming close kami sakanila?!" Pag tataray ni amy.
"Thats it! Stay away! Kung ayaw niyong magkagulo pa tayo!" Aniya.
"Bakit kaya hindi kayo ang lumayo? Sluts!" Ani amy.
"How dare you bitch!" Inis niyang sabi. Tatangkain niya sanang sampalin si amy ngunit sinangga ko ang braso niya.
"Wala kayong karapatang utusan kami! Dahil lalayo kami kung gusto namin! At kung ayaw namin! It's none of your f**king business bitches!" Mataray kong sabi.
Nginisian lang ako nito tsaka nagsalita "lumalaban ka ha! Let's see kung makalaban ka pa kapag binugbog ka namin!" Aniya. Hinawakan ng dalawa niyang kasama ang magkabilaang braso ko at siya naman ay sinikmuraan ako.
Sinusubukang pigilan ito ni amy ngunit sadyang mas malakas ito kumpara sakanya. Sinampal niya ako sa magkabilaang pisngi ko at halos mapaluha na ako dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya saakin.
Bwiset! Tumabingi ata yung pisngi ko!
Gigil ka teh!??!
Maddie POV
Habang naglalakad ako sa may hallway ay mayroon akong natanaw sa hindi kalayuan na mga babae kaya bahagya akong lumapit sakanila, at ng makita ko kung ano ang pinagkakaabalahan nila ay napakaripas ako ng takbo.
Hinuli ko ang braso niya at iniharap ko siya saakin at walang sabi sabing sinampal ko siya.
"Bitawan niyo si astraea!" Bahid sa tono ng boses ko ang naghahalong inis at galit.
Ang kapal ng mukha nilang saktan ang future wife ng kapatid ko!!
Binalingan ko ng tingin ang babaeng sinampal ko ng 160 degrees.
"Kulang pa yan! Gusto mo bang subukan ko sayo ang pagtadyak at sampal mo sakanya!?!" Anas ko.
"Pero queen, deserve niya yon! Nilalandi niya ang kapatid mo!" Aniya.
Isang sampal pa ang pinakawalan ko sa kabilang pisngi niya dahil sa inis ko.
"Kesa naman kayo ang lumandi sa kapatid ko! E ang papanget niyo naman! Tandaan niyo ito bitches! Hindi ninyo pag aari ang kapatid ko! Tigilan niyo na ang pag papafantasya sakanya! At kapag naulit pa ito! I swear ingungudngod ko yang mga panget niyong mukha sa kumukulong mantika!" Gigil kong sabi.
"Ano pang tinatanga niyo diyan?! Alis na mga panget!" Inis kong sabi.
Nako! Qiqil talaga nila ako!
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ko kay amy at astraea.
"Thankyou ate maddie, okay lang kami" aniya at tipid na ngumiti.
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Teen FictionAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza