Astraea POV
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni kaiden at gusto niyang dito tumambay malapit sa may faculty room! Tapos na ang recess at late na rin kami sa subject ni ma'am gladys.
"Kaiden, ano na? May balak ka pa bang pumasok ha? O baka balak mo pang mag extend ng two hours para lang tumambay dito! E wala ka namang ginagawa!" Aniya.
"Oh! We don't have too" sabi niya.
"Ano ba kasing binabalak mo ha? Katarantaduhan nanaman ba 'to? Nako! Kaiden uupakan talaga kita!" Reklamo ko sakanya.
"Just calm down sweetheart. We still have three more hours" sabi pa niya.
Tss! Wala talaga akong ideya kung ano nanamang katarantaduhan ang pumasok sa kukote ni kaiden!
"Tara na, wala ng tao sa loob" aniya sabay hila sakin.
"Nako kaiden! Wag mong sabihing magna ka! Wag mo akong idadamay sa mga kalokohan mo!" Sabi ko sakanya.
"Of course not! however this is not the right time to play some pranks" sabi niya.
"Ano ba kasi ang binabalak mo?" Tanong ko sakanya.
"Just keep quiet irish. I'll explain it to you later" aniya at pumasok sa loob ng faculty.
"Diyan ka lang kumatok ka ng tatlong beses kapag may alam mong may taong darating" aniya.
Tumango tango naman ako at siya naman ay pumasok na sa loob. Naisip kong baka may cctv kaya baka makita kami ni kaiden at malalagot pa kami nito kay sir skyler.
Anim na minuto na ang nakalipas ay hindi parin siya lumalabas kaya naisipan kong sumilip ngunit bago pa ako makasilip ay nagulat nalang ako at bigla siyang lumabas mula sa pinto.
"Anong ginawa mo?" Tanong ko sakanya. Ipinakita niya lang sakin ang maliit na bag na hawak hawak niya ng nakangisi na tila ba nagtagumpay siya sa unang plano niya.
"Tara na" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Teka! Paano kung may cctv?" Sabi ko.
"Alam na nila ang gagawin nila" ani kaiden.
"Hindi naman ako tanga para magpadalos dalos sa gagawin ko. Bago ko gawin ang plano ko ay sinigurado kong ni-isang ebidensya ay wala silang mahahanap" nakangising sabi niya.
Tsk! Siguraduhin niya lang kung hindi! Malalagot talaga sakin ang lalaking to!
"Okay!" Sagot ko. Nang makarating na kami sa classroom ay naroon na si sir felix at nag kaklase. Araw araw ay iba iba ang schedule ng bawat subject.
"Miss shon and mr park why are you late?" Tanong ni sir felix.
"Sir felix, i think it is none of your business!" Sabi ni kaiden na natigilan naman si sir.
"Please take your seat" nakangiting sabi nito at ipinagpatuloy na nito ang pag didiscuss.
Nabaling ang tingin ko kay kaiden na hindi man lang magawang makinig sa tinuturo ng teacher sa harap at tila mas interesado pa siya sa iniisip niya kumpara sa tinuturo ni sir felix.
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Teen FictionAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza