Chapter 29

24.8K 590 7
                                    

Amy POV

*Flashback*

Walang imik akong nakatayo habang tinitignan si daddy na wala ng buhay. Kung hindi lang sana nagpadala si daddy sa kasamaan niya ay hindi sana mauuwi sa ganitong pagyayare.

"Mom, stop crying. Kahit ilang baldeng luha pa ang maibuhos mo ay hindi mababalik ang buhay ni daddy" sabi ko.

Hindi ako pinansin ni mommy bagkus ay patuloy parin ito sa pagiyak habang yakap yakap si daddy.

"Oliver, bakit kailangan mangyare to?" Hagulgol ni mommy.

Ma, kung alam mo lang...

It's too late, kahit anong gawin namin ay hindi na mababalik pa ang buhay ni daddy. At nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong umiiyak si mommy mas dobleng sakit ang nararamdaman ko.

*End of flashback*

"Amy, hindi mo ba dadalawin ang daddy mo?" Tanong ni astraea.

It's been already one week simula nang mabalitaan naming patay si daddy at kahapon lang ang libing niya.

"E ikaw hindi mo ba dadalawin si kaiden?" Tanong ko. Bigla namang lumungkot ang mukha niya.

Mali atang sinabi ko 'yon sakanya

"By the way, Tara dadalawin ko si daddy" sabi ko at tipid na ngumiti. Kita ko ang pagbuntong hininga niya bago siya pumasok ng sasakyan.

_________

Nang makarating kami sa puntod ni daddy ay inilapag ko ang bulaklak na dala ko at nag sindi ng kandila.

"Dad, mom misses you alot. Alam kong matatanggap rin ni mommy na wala kana but not now, i know hindi ganoon kadali. I miss you daddy" sabi ko sa isip ko.

Naramdaman ko ang butil ng luha na pumatak sa pisngi ko kaya agad ko iyong pinunasan.

"Kung malungkot ka you don't have to pretend kung naiiyak ka hindi mo kailangan tiisin as if nothing had happened" sabi niya.

Kusang tumulo ang mga luha ko. Ang bigat sa pakiramdam na kinikimkim mo ang emosyon mo but since astraea is here i don't have to pretend.

Astraea POV

Nakakailang buntong hininga naba ako ngayong araw? Feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko wala akong gana sa lahat.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni kenzo.

"Oo naman" sabi ko at tipid na ngumiti.

"Stop smiling if you can't" ani kenzo.

"Don't stress yourself irish, let's be positive. Masamang damo iyon si kaiden, mas masama pa sa demonyo" ani kenzo.

"I know..." Maikling sagot ko.

"Tara, samahan mo ako" sabi ni kenzo.

"Saan?" Tanong ko.

"Mag ice cream tayo, I'll treat you" nakangiting sabi niya na tinanguan ko lang.

"Mag sungit ka naman irish" ani kenzo.

I HATE YOU BUT I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon