Unspoken Thoughts #1

24 1 0
                                    

Unspoken Thoughts #1 — PH Care (SPG)

"Juskoooooo pooooooo!" Rinig kong sigaw ni mama galing sa baba kaya agad akong napatakbo sa baba dahil baka may nangyare.

"Ma, anong nangyare?" Tanong ko agad dito ng pumunta ako sa cr kung nasaan siya.

"Tawagin mo nga ang kuya Eron mo. At may kababalaghang nangyayare dito sa bahay na 'to." Sabi neto at agad akong pumunta sa taas para gisingin si kuya na natutulog pa din.

"Kuya, kuya." Gising ko dito habang inaalog-alog siya dahil tulog mantika ito.

"Bakit?" Tanong nito pagkabangon at saka naghikab.

"Tawag ka ni mama may nagawa ka atang kasalanan." At napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko at agad rin kaming bumaba dahil baka galit na galit na si mama.

"Sino sa inyong dalawa ang gumagamit neto?" Salubong ang kilay na tanong ni mama sa 'min at nakaturo sa lalagyan na walang laman, tatak ay PH care.

Kumunot lamang ang noo ko at ramdam ko naman si kuya sa tabi ko na parang kinakabahan. Ibinaling ko ang tingin sa kanya.

"Ikaw ba kuya?" Tumingin lang siya sa 'kin at saka tumingin kay mama.

"Eh ma ako po kase." Pag-amin ni kuya.

"Jusmeyo batang 'to! Hindi mo ba alam na pang-kipay lang 'to? Wala ka naman nun! Kaya pala linggo linggo nauubos 'to!" Sigaw ni mama kay kuya.

"Eh ma isinashampoo ko po 'yan ta's ihinihilamos mas mabango po kase sa sabon eh."

Nagpipigil ako ng tawa dahil sa pinaggagawa ni kuya. Ishampoo daw ba.

"Ay sa bagay..." nagpipigil ng tawa na saad ni mama at bumaling sa buhok ni kuya. "Mukha namang pubic hair buhok mo. Support na lang kita d'yan nak" at saka pumasok sa cr si mama at ang reaksyon ni kuya ay nanlalaki ang mata dahil sa sinabi ni mama.

Unspoken ThoughtsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora