Unspoken Thoughts #5

14 1 0
                                    

Unspoken Thoughts #5 — Untitled

Ang sarap ng mga tawa mo sa pandinig ko lalo't alam kong ako ang dahilan niyan.

"Heto na naman tayo, masaya naman na ako na masaya ka sa kanya pero bakit ganto na naman?" Tanong ko sa iyo na naging dahilan para unti-unting humina ang pagtawa mo.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong mo rin sa akin.

"Hindi naman siguro ako nagkakamali, mahal mo siya at gusto mo na naman ako tama ba?" Tanong kong muli sa iyo ngunit imbes na sumagot ka ay tinitigan mo lang ako.

"Masaya akong masaya ka na sa kanya, hindi ako masayang bumabalik ka ngayon sa akin." Sambit ko at umiwas ng tingin sa iyo.

"Bakit? Hindi ka masaya na bumabalik ako sa 'yo? Gusto ulit kita bakit hindi ka masaya?" Tanong mo sa akin. Ang tanga mo rin minsan.

"Hindi ako masaya dahil mali, ilaan mo na lang ang oras mo sa kanya at huwag mo kong pag-aksayahan ng oras." Sambit kong muli sa iyo.

"Hindi niya deserve na masaktan pero wala eh, gusto talaga kita." At hinawakan mo ang mga kamay ko.

"Tama na, may panahon para sa atin. At hindi ito ang panahong ito, aaminin ko may parte sa akin na gusto rin kita o sabihin na lang natin na mahal kita at ang mga plano ko sa hinaharap ay kasama ka. Ngunit mapaglaro lang talaga ang tadhana at hindi maaari. Sa ngayon ilaan mo sa kanya lahat. Pakawalan mo na muna ako." At unti-unti kong binitawan ang mga kamay mo. Unti-unti rin akong pumihit patalikod at kasabay nun ay ang pagpatak ng mga luha ko. At naglakad papalayo sa iyo.

"Hihintayin ko ang panahon para sa atin!" Rinig kong sigaw mo. Nakakatawang isipin na naisip mo pa iyun.

"Hihintayin ko rin ang panahong iyun. Pero sana sa panahong pwede na, pwede pa." Bulong ko sa sarili ko bago pa magdilim ang lahat.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now