Unspoken Thoughts #6

10 0 0
                                    

Unspoken Thoughts #6 — HAPPY NEW YEAR

Bago pa man magsimula ang countdown para sa pagpapalit ng taon ay ipinikit ko ang mga mata ko. Naririnig ko rin ang hiyawan ng mga tao na sinasabayan ang pagka-countdown.

"10!"

Kasabay din ng pagpikit ko ay ang pag-alala sa mga sinabi niya sa akin.

"9!"

"Gusto ko akin ka lang, wala nang iba."

"8!"

"Ikaw lang ang nakikita ko sa hinaharap na kasama ko."

"7!"

"Pipiliin kita sa araw-araw."

"6!"

"Masyadong malabong palitan kita."

"5!"

"Araw-araw kitang papasiyahin."

"4!"

"Ikaw yung pampakalma ko, kaya wag kang aalis."

"3!"

"Ang ganda ng mga ngiti ko no? Lalo na kapag ikaw ang dahilan."

"2!"

"Mahal na mahal kita, hindi bilang isang kaibigan kundi bilang ikaw mismo."

"1!"

Kasabay nun ay ang pagmulat ko. "Happy new year self." Sambit ko sa sarili ko. Tinanaw ko ang kalangitan at punong-puno ito ng iba't ibang kulay. Ang saya siguro kung kasama ko siya.

Tumingin rin ako sa cellphone ko at tiningnan ang chat namin, walang pagbabago. Oras na nga siguro para tapusin ang kahibangang ito.

"I'm letting you go now. I'm letting us go." Sambit kong muli sa sarili ko. Maganda nga sigurong manatili na lang siyang alaala at tanggapin sa sarili kong hindi na siya babalik. Dahil kahit ilang beses ko pang alalahanin yung mga sinabi niya noon sa akin ay hindi na siya babalik.

Unspoken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon