Unspoken Thoughts #4

13 1 0
                                    

Unspoken Thoughts #4 — HAPPINESS

"Love, malalayo ako sa 'yo." Malungkot na sabi ng girlfriend ko na nasa tabi ko ngayon.

"It's okay love, kaya naman natin ang LDR diba? Besides it's your dream school. Ayoko ring ako 'yung maging dahilan para hindi ka makapag-aral sa dream school mo." Mahabang sabi ko sa kanya. Inalis ko muna ang tingin sa laptop ko at tumingin sa kanya. Nang tingnan ko siya ay maluha-luha siya.

"Thank you so much love." Sincere na sambit niya sa akin. Napangiti naman ako.

"Anything for your happiness love." At kinindatan pa siya.

~~~

"Love I need to tell you something." Saad niya habang nagdadrive ako. 7 years have passed so fast and we're both now professionals, she's now an architect habang ako ay civil engineer na.

"Spill it love." I said habang nananatiling naka-focus sa daan.

"There is a company--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang putulin ko ito.

"And they're hiring you, and that's your dream company in Korea, right?" Sabi ko at itinigil na ang sasakyan dahil nandito na rin kami sa destinasyon namin.

I looked at her at kinakabahan siyang ngumiti sa akin. I just showed her my genuine smile.

"Love, just go, okay? Kung iyan ang makakapagpasaya sa 'yo, just go." I said while cupping her face. She's smiling but her tears are falling down.

"Thank you for everything love."

~~~

I'm now staring at the surprises I've made with the help of my brother. Simple lang but it's special, we're now celebrating our 10th year.

"She's lucky kuya." My brother said habang nakaupo kami sa kama.

"No, I'm luckier." I answered and he looked at me like he's wondering.

"She's the only one who accepted me for who I am, the one person who have been the reason why I changed myself, and she never leave me kahit na I'm on my worst. So I'm luckier." I explained and my brother just smiled.

Muli kong tiningnan ang mga pictures naming dalawa na isinabit ko at pati na rin ang stolen shots niya every time na magkasama kami. Napapangiti ako habang naaalala ko ang mga nangyari nung mga araw na iyun.

Ilang sandali pa kong naghintay at nang may kumatok sa pinto ng kwarto ay alam kong siya na 'yun.

I gave signal to my brother para iplay na ang song.

When she came in, I can see the surprise in her eyes. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang roses, her favorite flower. Lumapit ako sa kanya at hiningi ang kamay niya para maisayaw ko siya.

"You always look beautiful love." I said habang isinasayaw siya, ngumiti siya ngunit hindi siya ganon kasaya.

"Do you remember when I said the first time I saw you, I knew that you'll be the person I'll be waiting on the altar?" She just nodded and I gave her my sweetest smile.

Binitawan ko ang kamay niya at lumuhod sa harapan niya. Shock is now drawn all over her face.

"Love, I think this is now the right time, we've been--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong pigilan at humagulgol siya.

"P-paul I'm sorry." Sabi niya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Tumayo ako at hinawakan ang mukha niya.

"W-why love? Nabigla ba kita? I'm sorry love." Sunod-sunod kong sabi.

"I-I' m sorry Paul, I fell out o-of love. I don't love you anymore." Sabi niya habang humahagulgol pa rin. Nabitawan ko ang mukha niya dahil dun. Namatay na rin ang music, ang tanging naririnig ko lamang ngayon ay ang paghagulgol niya at ang mabilis na pagtibok ng puso ko na tila sasabog.

"Why?" Ang tanging lumabas sa bibig ko. Blankong-blanko ang isip ko pero ang daming gustong sabihin ng puso ko.

"J-just let me go. Please, you d-don't deserve me." She said. Ngumiti lang ako ng mapait at binalikan ang pangako ko palagi sa kanya.

"Okay, if that's your happiness, hahayaan kita. Even that happiness no longer includes me."

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now