sampu

399 31 14
                                    



nakaupo ka sa kabilang side ng sofa habang busy ka sa pagpipindot sa laptop mo na hindi ko naman alam kung ano ang pinagkakaabalahan mo doon.

seryoso lamang akong nakatingin sa harap ng telebisyon pilit na inaaliw ang sarili ko kahit ang totoo ay wala akong ganang manood ngayon.

ni hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung minsan, bakit sa kabila ng lahat ng pananakit mo sakin ay nananatili pa rin ako sayo.

nagpapakatanga.

kung baga, kung meron mang parangal ang pagiging tanga, paniguradong naka hall of fame na ako.

pero sa estado ko, hindi lang ako tanga.

martir din ako at masokista, ang galing kong magpanggap na ayos lang sakin ang lahat kahit pa iba ang ipinapakita ng emosyon ko.

at ikaw din naman itong si manhid, masyadong masaya kapag nasasaktan ako.

" jimin. "

halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang mababa mong boses. napahawak pa ako sa may bandang dibdib ko dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko, alam mo namang magugulatin ako tapos bigla-bigla ka nalang magsasalita?

pero ang totoo talaga, nagulat ako sa pagtawag mo ng pangalan ko. i mean, hindi ako sanay. yung paraan ng pagtawag mo ay hindi parating ganito.. kung hindi pasigaw ay madalas pagalit at madidiin bawat salita.

ngunit ngayon, tila ba malumanay at ayaw mo akong masindak.

madalian ako sayong tumingin, nang makita kong nasa laptop pa rin ang mga tingin mo ay ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa telebisyon, at saka ako nagsalita habang nauutal pa.

" m-may kailangan ka? "

sabihin mo, kailangan mo ako. madali lang naman akong kausap.

narinig ko ang pagbuntong hininga mo sabay lagay ng laptop sa ibabaw ng center table natin. hindi ako nakatingin sayo ngunit nakikita kita sa peripheral vision ko, nakatitig ka sakin habang nakasandal ka na ngayon sa kinauupuan mo at nakahalukipkip ang mga braso mo sa iyong dibdib.

seryso lang ang mukha mo, parang yung casual na ekspresyon mo lang tuwing kaharap mo ako.

hindi ko mapigilan na hindi kabahan lalo na't alam kong tinititigan mo ako. hindi kasi ako sanay. maraming bagay na hindi ako sanay pagdating sayo, may mga bagay na kinagawian nating gawin noon ng malapit pa tayo sa isa't-isa bilang mag-kaibigan.

at lahat ng mga nakagawian na iyon ay biglang nagbago simula ng mangyari ang mga hindi natin inaasahan.

paano nga ba tayo nauwi sa ganitong sitwasyon? bakit ka pa nga ba napilitan na pakisamahan ako, sa kabila ng pagkamuhi mo sakin.

siya naman talaga ang mahal mo at hindi ako, hindi ba?

ngunit kahit din naman kasi na mahal mo siya malabo na rin naman ang lahat para sainyo ng kapatid ko. sobrang malabo.

" jimin.. "

malumanay muling pagtawag mo sakin. this time, tumingin na ako sayo, nabigla pa ako nang magsalubong ang mga tingin natin.
alam kong sakin lang naman may epekto iyon. kaya hindi ko na lamang pinansin ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko gawa ng tingin mo.

siguro nakuha mo ang ibig sabihin ng titig ko sayo, nagtatanong ang mga mata ko kung ano ang kailangan mo at kung bakit mo kinukuha mo ang pansin ko.

nakita ko ang paglunok mo, mukhang tinatanggal ang bumara sa lalamunan o talagang nanuyo't lang ang lalamunan mo dahil sa halos ilang minuto ka ring hindi nagsasalita.

" yung nangyari kanina, yung mga narinig mo... "

natigilan ako.

hindi lang ako makapaniwala na ikaw mismo ang nag-o-open up ng usapan na ito. rinig sa boses mo ang konsensya, tila nahihiya ka pa dahil ngayon ay hindi ka na nakatingin sakin, nakatingin ka sa bintana na nasa likuran ko lang kaya kita ko pa rin ang side profile mo, ang hindi ko maintindihan kung bakit nakikita ko sa mga mata mo ang kalungkutan.

hindi ako nagsalita, naghihintay pa ako sa sususnod mong sasabihin.

kung hihingi ka man ng tawad dahil nasaktan mo nanaman ako sa hindi mabiling na pagkakataon, alam mo naman na patatawarin pa rin kita. kahit pa nga hindi ka humingi ng tawad ay ganun pa rin, patatawarin pa rin kita..

ganun kita kamahal, hindi ba?

labis-labis, ni wala na nga atang natira para sa sarili ko...

dahil kung meron man,

edi sana hindi ko hinahayaan na masaktan ako para lang sayo.

nagkasalubong ang mga kilay ko nang tumayo ka na sa kinauupuan mo.

kung kanina ay malumanay bawat galaw mo, malambot bawat ekspresyon.. ngayon ay tila nawalan ka ng gana.

nakakunot na ang noo mo at napalitan na rin ng galit ang kaninang sakit na nagre-reflect sa mga mata mo.

" y-yoongi sandali, ano ba yung sasabihin mo? "

nagtatakang tanong ko sayo nang magsimula ka na sa paglalakad.

tila wala nang balak pa na ipagpatuloy ang nais na sabihin.

mas lalo lang tuloy akong naguluhan sayo, bakit ganyan ka kung kumilos? masyadong madali magbago ang mood mo.

o ayaw mo lang talaga akong kausapin? napagtanto mo ata na galit ka pala sakin kaya mas minabuti mo na umakyat na lamang.

ngunit bago ka pa man makatuntong sa hagdan ay tumigil ka.

hindi ka gumalaw ng ilang minuto, malalim kang napahinga at nagsalita nang hindi sakin tumitingin.

" just trust me about this. don't overthink yourself.. "

napakurap ako ng ilang beses, nagpatuloy ka na rin sa paglalakad at naiwan akong nakatulala.

matagal bago nagproseso sa utak ko ang sinabi mo.

are you trying to tell me that, i didn't have to worry? ayaw mo ba ako mag-alala sa kung ano man ang papasukin mo? concerned ka ba sa nararamdaman ko, yoongi?

ganun ba?

if you're only giving me false hope, yoongi...

i swear,

hindi na kakayanin pa ng puso ko, malapit na itong bumigay.

i'm just waiting for you to rebuild this.

Swimming Fool | YoonMinWhere stories live. Discover now