tatlumpu't walo

308 27 12
                                    



"Twenty-four hours no talking challenge ba ito? I don't remember accepting a challenge anyway."

Matapos ang ilang oras na pananahimik mula pa kanina pag-alis nila ng rest house ay napagdesisyunan na rin ni Jungkook sa wakas ang magsalita dahil na rin sa nararamdaman niyang pagkailang at dagdag na rin ang sobrang nakakabinging katahimikan. Kasalukuyan silang nag-aantay ng bus pabalik ng Purple city, wala pa rin naman nagbago sa kutob ni Jungkook na may hindi sinasabi si Taehyung lalo na at biglaan naman ata na agad-agad ay may operasyon na magaganap.

Hindi naman sa ayaw niya dahil higit sa lahat ito nga ang pinakamainam na mangyari dahil hindi na dapat pa pag-antayin ang kuya niya ng operasyon dahil masyado ng delikado ang lagay nito. Ang kaso, alam ni Jungkook kung ano ang sitwasyon na kinalalagyan nila ngayon. Kung nagawa ni Mr. Kim na ipatigil ang operasyon dahil sa pag-atras sa bayad, malamang magagawa din nito ulit ang gusto . . . Pwera nalang talaga kung may ginawa si Taehyung para hindi sila guluhin ng papa nito.

"Malamig kasi."

Nagtataka niyang tinignan ang kanyang katabi na wala man lang emosyon na bumabakas sa mukha nito, hindi niya nga alam kung dahilan ba nito ang isinagot sakanya o sadyang nilalamig nga lang ito para maging tahimik.

Tinitigan niya lang ang mukha nito na nasisilayan ng munting ilaw galing sa poste malapit sa pwesto nila. Nanatili ang mga mata niya sa mukha ni Taehyung, hindi niya maalis ang tingin niya sa mga pasa na hindi niya naman alam kung saan ba nito nakuha. Kilala niya na ng lubusan si Taehyung, hindi ito basta-basta lang makikipag-away, basag ulo, bugbugan— name it, lahat yun ay hindi gagawin ni Taehyung kung walang dahilan o walang nasasaktan na iba lalo na kung taong mahal niya. Pero sa kabila ng ayaw nitong makasakit ay hindi din naman nito hahayaan lang na matalo ang sarili o magpabugbog. What he is trying to point out— perhaps, he let someone to beat him up purposely.

Iniiwas niya ang tingin niya dito at marahas na napailing ng kanyang ulo. Hindi tama na pagduduhan niya si Taehyung kung saan, ang dapat niyang ginagawa ay pasalamatan ito sa lahat ng nagawa nito para sakanya. Sure, they don't have the perfect love story. Their relationship isn't that realistic to think of. Kasi sino nga ba naman ang tangang itataya ang lahat para sa isang tao? Too good to be true, isn't it? Kasi ang totoo, either of them could risk everything without thinking twice.

He's the reason why I believe that love is real.

Mabilis na napatingin si Jungkook kay Taehyung ng hawakan siya nito sa kamay, pinaningkitan ng mata ng makita ang matamlay na ngiti nito para sakanya. Hindi maiwasan na mag-alala siya, ayaw niyang magtanong dahil natatakot siya sa maaaring marinig niyang sagot mula dito.

Kailangan niyang tatagan ang sarili niya lalo na kung ganitong nagpapakita ng kahinaan si Taehyung. Mahigpit siyang niyakap nito na siyang mas lalong nagpasikip sa pag-hinga niya.

"May mga taong makakaintindi may mga hindi."

Kumunot ang noo ni Jungkook dahil sa biglaang sinabi ni Taehyung, wala man lang siyang ideya kung ano ang pino-point out nito. Taehyung is really that fathomless that even his single gestures or words, he needed more time to interpret them. Inscrutable indeed.

"Love is really that complicated, Jungkook. You can't never tell me that I didn't do everything to fight for our love."

———

"Kilala ko na si Taehyung noon pa man! Para yung isang code na kailangan mong i-decode. You can't never tell what he is thinking just once you looked at him. He is that inscrutable."

Tahimik lang ang lahat sa loob ng rest house maliban kay Seokjin na kanina pa kinukumbinsi si Yoongi na umaksyon na dahil sa halatang pagbaliktad ni Taehyung sakanila, halos sumabog na ito dahil sa galit. Namumula na rin ang tenga at leeg nito, pagod na rin sa kakasalita na tila hindi naman pinakikinggan ni Yoongi.

Swimming Fool | YoonMinWhere stories live. Discover now