labing anim

405 34 26
                                    




dahil sa ginawa kong pakikialam, nandito tayo ngayon, ito ang kinahantungan natin. ang walang hangganang pagtatalo.

pagkatapos ng naging komprontasyon namin kay mr. kim ay bigla ka nalang dumating at sumingit sa eksena. hindi ko alam kung sino ang nagsabi sayo. galit na galit ka ng dumating ka dun, labis ang paghingi mo ng paumanhin kay taehyung maging sa ama niya.

ni hindi mo nga magawang pakinggan man lang ang paliwanag ko at paliwanag ni seokjin hyung. basta mo nalang ako kinaladkad palabas ng opisina at tila hiyang-hiya dahil sa ginawa kong gulo.

iniwan natin si taehyung na umiiyak, maging siya na sariling anak ay hindi matanggap ang desisyon ng kanyang magulang.

'di ba dapat matuwa ka sakin dahil ako na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal na ayaw mo? ako na mismo ang nagtatanggal ng tali na maaaring makasakal sayo,

pero bakit para atang lahat ng gawin ko ay mali sa mga mata mo?

huwag mong sabihin na nagbago na kaagad ang isipan mo, bigla nalang gusto mong magpakasal sakanya.

yoongi, naguguluhan na ako sa kung ano talaga ako sa buhay mo. minsan, naiisip ko nalang na itigil na lahat ng kahibangan kong ito, ititigil ko na ang pagsusugal, ang pagpapakatanga ko sa isang taong wala namang pakialam sakin.

sabihin mo sakin, yoongi. bakit mahirap gawin lahat ng mga nabanggit ko? bakit mahirap para sakin ang isuko ka?

" yoon—"

" tumahimik ka! hindi ko kailangan ng kahit na anong paliwanag mo! "

otomatikong napayuko ang ulo ko ng marinig ko ang mababa at nakakatakot mong boses. rinig ko ang galit mo, ramdam ko ang pag-kainis mo. gustuhin ko mang magpaliwanag, hindi ko magawa dahil baka mas lalo ka lang magalit sakin.

saka nalang ako magsasalita kapag nagtanong ka na o kapag oras na sumobra ka na at kailangan ko namang depensahan ang sarili ko.

ilang minuto na rin tayong tahimik, tanging ingay lang ng makina ng kotse ang maririnig.

napatitig ako sa pulsuhan ko ng makita ko ang halos namumulang pasa dahil sa kaninang mahigpit mong pagkakahawak sakin. sanay na nga ako sa halos ilang beses na nakakatanggap ako ng pasa mula sayo, na kahit ito ay hindi ko na naramdaman kung hindi ko pa nakita.

" hindi ko gusto na makialam, ginawa ko lang naman yun para sayo. "

hindi na ako nakapagtiis pa at ako na mismo ang bumasag sa nakakailang at nakakabingeng katahimikan.

habang hinihimas ko ang pasa sa pulsuhan ko ay siya namang pagpipigil ko sa mga luha ko na bumuhos dahil paniguradong hindi mo magugustuhan kapag umiyak ako sa harap mo na parang isang bata.

" h-hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. hindi ko alam na hindi pa pala alam ng anak ni mr. kim ang tungkol sa kasal. "

" ang ibig sabihin lang nun, hindi ka na dapat nakialam pa. pinapalala mo lang lalo ang sitwasyon. hindi ba sabi ko sayo magtiwala ka lang sakin? kahit kailan talaga– "

" ang tanga ko... "

bulong ko sa sarili ko bilang pagpapatuloy sa sinasabi mo, para naman kahit papaano ay hindi masakit kung manggagaling sakin ang salitang gasgas na dahil sa kakaulit mo.

alam ko naman na tanga ako, yoongi. matagal ko ng alam, kaya nga hanggang ngayon ay nananatili pa rin ako sa tabi mo sa kabila ng lahat ng sakit na dinaranas ko sayo.

tumahimik ka bigla matapos mo marinig ang sinabi ko. rinig ko ang maya't-maya mong pagbuntong hininga.

" jan ka lang, huwag kang aalis diyan! "

hindi na ako kumibo pa ng maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan natin. sunod na narinig ko ay ang pagbukas ng pinto at muling pagsara nito.

dito na ako nagkaroon ng lakas ng loob na ilabas lahat ng luhang naipon ko. hindi na kakayanin pa ng dibdib ko kung aantayin ko pang makaabot sa bahay.

paulit-ulit kong hinihimas ang pulsuhan ko na may malaking pasa, umaasa na hihilom ito.

hanggang kailan ko kaya kakayanin ang tiisin ka, yoongi?

sana huwag dumating ang araw na kung kailan pagod na ako ay saka mo lang mapagtatanto lahat ng mga nagawa ko para sayo.

umatras lahat ng hikbi at luha ko ng maramdaman ko na may humila sa braso ko. ang luhaan kong mata ay tumitig sa gwapuhan mong mukha. hindi kakayanin ng puso ko ang ginagawa mo ngayon sakin, yoongi.

" gusto kong malaman mo na hindi ako galit sayo. "

bumaba ang tingin ko sa kamay mo na nakahawak sa kamay ko habang dinadampian ng tela na may yelo ang pasa sa pulsuhan ko.

tumigil pala tayo sa isang convenience store upang makabili ka ng yelo. seryoso ka lang sa ginagawa mo, hindi na nasundan pa ang sinabi mo kanina.

hindi ka galit sakin...

napangiti ako. hindi ka galit sa ginawa ko, ginagamot mo ngayon ang pasa na natamo ko. this is too much for me to handle, yoongi. too much—

" yoongi... "

nag-angat ka ng tingin ng marinig mo ang pagtawag ko sa pangalan mo. humikbi ako at muli nanamang bumuhos ang mga luha ko dahilan para kumunot ang noo mo.

umiling ako at itinago ang mukha ko gamit ang dalawnag maliliit kong kamay, nagbabakasakaling tumigil ang pag-iyak ko.

" jimin, "

malumanay mong pagtawag sakin na siyang nakakapanibago.

tinanggal mo ang mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko, deretsyo mo akong tinitigan sa mga mata ko na hindi ko alam kung tibok ng puso ko pa ba ang nararamdaman ko o may tambol lang ako naririnig sa hindi kalayuan.

" i'm sorry. "

hindi ang salitang iyon ang nakapagpatigil sakin.















it was your plump lips that you pressed against mine.

for the first time,

you kissed me, min yoongi.

Swimming Fool | YoonMinWhere stories live. Discover now