dalawampu't pito

324 24 14
                                    




kanina pa pabalik-balik ang tingin ko sa dalawang tao na tila sinadyang magdisguise, natatawa na rin ako at pilit kong pinipigilan dahil baka kapag natawa ako ay isipin mo nalang na nababaliw na ako. paano ba naman kasi, nakadisguise ang isa sakanila ang kaso hindi man lang naisip na itago ang kulay ng buhok nito, malamang makikilala ko siya.

" may problema ba, jimin? sino yang— "

" huwag.. "

agad kitang pinigilan sa pagtingin sa likuran mo dahil baka mahalata nila na alam ko na sinusundan nila tayo.

nakunot ang noo mo at tinaasan mo ako ng kilay, pinagpatuloy mo na lang ang pagkain mo at hindi nalang ako pinansin. nagkunwari ako na aabutin ko yung kimchi malapit sayo at sinadya ko na ilapit ang mukha ko sayo dahil ang totoo ay may ibubulong ako.

natigil ka ulit sa pagkain mo at tinapunan ako ng nagtatakang tingin.

" jimin, "

may pagbabanta sa tono mo. naiilang akong ngumiti sayo sabay ang pag-ikot ng mata ko dahil wala akong ibang pagpipilian kundi sabihin sayo ang nakita ko.

" nasa likuran natin si taehyung, may kasama siya, malaki ang ilong. nakadisguise sila— huwag ka nga kasi tumingin! "

pinigilan ko ulit ang ulo mo na pumihit sa pamamagitan ng paghawak sa dalawang pisnge mo, halos matawa na ako ng mapagtanto ko kung ano ang nagawa ko. dahil sa paghawak ko sa pisnge mo, halos nakanguso ka na, nagmukha ka tuloy cute na kuting.

nakita ko ang sauce sa gilid ng bibig mo, kumunot ang noo mo ng mas lumapit pa ako sayo, halos ilang dangkal nalang ang layo ko sa mukha mo. napangisi ako dahil sa naiisip ko, hindi ka nakagalaw dahil sa sunod kong ginawa, hinalikan ko ang gilid ng labi mo— more on sinisip-sip ko upang matanggal ang excess ng sauce sa gilid ng labi mo, nang masiguro ko na wala na, agad kong mabilis na hinalikan ang labi mo sabay balik sa kinauupuan ko na tila walang nangyari.

" baka makahalata kasi sila na alam na natin na sinusundan nila tayo, sayang yung effort ng pagdisguise. "

napaikot ka ng mata, bahagya kang nag-iwas sakin ng tingin at alam ko naman na itinatago mo lang ang namumulahan mong mukha.

hindi na ako nakagalaw ng tumayo ka mula sa kinauupuan mo at nagtungo sa pwesto kung nasaan sina taehyung. halata na nagulat sila, hindi nila inaasahan na makikita ka nila sa harapan nila habang matalim na nakatitig sa nakatago nilang mga mukha.

" halika dito taehyung, "

" ah, hyung... "

kinuha ko ang atensyon mo ng hawakan mo ang maling tao sa balikat para sana hilahin, naalala ko na hindi mo pala kilala si taehyung. ni minsan ay hindi pa kayo nagkita.

" h-hindi si taehyung yan, yung blue ang buhok. "

napa 'ohh' ka lang at tinitigan muna ang kasama ni taehyung at saka ito muling pinaupo, hinigit mo ang braso ni taehyung na siya namang agad na pagpalag nito. napangiwi ako ng magsimulang ikumpas ni taehyung ang mga kamay niya na tila isang batang nagtatantrums. hinila din nito ang kasama niya kaya walang nagawa ang bata kundi magpahila sainyong dalawa.

Swimming Fool | YoonMinWhere stories live. Discover now