Chapter 9

7.9K 312 22
                                    

Chapter 9 - The First Kiss?!

AGAD kaming nakarating sa mansyon nila Flame.

Halos mapanganga ako sa laki nito.

"WOW!" Mangha kong sabi.

Pumasok ang kotse nya sa loob at nakita kong pinagsilbihan sya g mga tauhan dito na para syang hari.

"Yes. Yes." Sabi nya habang kinakausap ang isang guard sa gate.

Tumango ito at pumasok na kami sa loob.

"Ang ganda pala ng bahay nyo, Flame." Sabi ko.

He smiled.

Wait, did I just saw him smiled again.

Napatingin ako sa kanya pero nakasimangot nanaman sya.

Hindi ba sya marunong ngumiti?!

Lumiko sya at pumasok sa isang garahe at halos mapanganga ako sa gulat nang makita kong napakaraming magagarang kotse sa labas.

Bumaba na ako at mukhang nahiya ang tsinelas at damit ko sa bahay na 'to.

"Flame." Tawag ko dito.

"Hmmm?"

"Sa inyo ba lahat ng kotseng 'to?" Tanong ko.

He nodded.

"Ang ganda." Sabi ko habang nililibot ko ang buong mata ko sa garahe. Mas malaki pa ang garahe nila sa apartment na pinag-uupahan ko. Oh baka dobleng laki pa.

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang isang kamay sa mga palad ko.

Pero agad ko rin 'yong nabawi dahil parang nakaramdam kami ng kuryente nang mag-dikitnang mga palad namin.

"Awww!"

"Aray!"

"What the hell is that?!" Inis na tanong nya.

Hindi ko alam pero parang dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko at nang tignan ko si Flame ay parang may lumiliwanag sa paligid nya.

"I know I'm handsome. So stop staring me." Sabi nya at naramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko at pag-hila.

Halos mabingi ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Am I falling to him... again?

-

[Flame]

NANG makapasok kami sa mansyon ay hawak-hawak ko pa rin ang braso ni Nathan.

I don't know but I feel comfortable holding his hands.

Nakita ko si Ate somewhere na may hawak pang cake habang tumitingin sa phone nya.

"ATE!" Sigaw ko.

Napalingon sya at nanlaki ang mata.

"Bro?" Tanong nya at inilapag ang cake sa ibabaw malapit sa bar.

Patakbo syang lumapit sa'kin ay yinakap ako.

"Welcome back baby bro!" Sabi nya pa at kinulong nya ang ulo ko sa mga kamay nya.

Agad nyang ginulo ang buhok ko.

"ATE NO!"

"ATE GULUHIN MONA LAHAT, NOT MY HAIR!" Inis kong sabi.

"I just missed you brother." Sabi nya at tumawa.

I just rolled my eyes. Hindi ko alam pero parang mas lalaki pang gumalaw ang ate ko sa akin. Tibo yata 'to eh. Wala pang boyfriend.

Babysitting the CEO's Son [BxB]Where stories live. Discover now