Chapter 11

7.4K 308 6
                                    

Chapter 11 - Lovenat, Kisspilin, and Yakapsule.

ANG awkward namin nang pumasok kami sa loob ng mansyon at basang-basa.

Sino si Tiffany?

Kanina pa 'yang tanong na 'yan sa isip ko pero wala akong makuhang sagot.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya na kasalukuyang nanlalamig habang tumutulo ang tubig sa katawan nya.

Lumapit ako sa kanya. "Okay ka lang?" Tanong ko.

He nooded slightly. "Y-Y-Y-Yeah..." Nanlalamig nyang sabi.

Hindi na ako nanlalamig dahil sa heater pero itong kasama ko parang nasa South Pole kung manginig.

I spread my arms at dahan-dahan kong idinikit ang braso ko sa kanya.

"What are you doing?!" Tanong nya.

"As your babysitter, it's my job to serve you..." Sabi ko.

Naramdaman ko ang init ng katawan nya pero nagtataka ako kung bakit nilalamig sya.

"Ser Flame?" Isang boses ang narinig namin sa gilid kaya napabitaw agad ako.

"Ayy Ser Flame, ano po nangyari sa inyo?" Alalang tanong ni Manang.

"Pwede ho bang magdala kayo ng dalawang twalya." Tanong ko.

Tumango nalang si Manang at patakbong umalis.

Tumingin ako kay Flame at kita kong ang pagguhit ng lamig sa mukha nya. He's shivering.

Agad namang nakarating si Manang at agad kong isinuot ang dalawang twalya kay Flame, not minding me. Immune ako sa mga sakit.

Buti nalang tuyo na ako ng konti kaya walang patak ang tumutulp sa sahig.

I guided Flame papunta sa kwarto nya.

Muntik ko na nga syang buhatin pero sadyang mabigat sya kaya sabi nya maglalakad nalang daw sya.

Agad kaming nakarating sa kwarto nya at agad nyang inalis ang suot nyang t-shirt.

Napagawi ang tingin ko sa kaliwa nang alisin nya ang suot nyang basang t-shirt at lumantad sa harap ko ang maskulado nyang katawan.

"F-Flame, lalabas lang ako." Sabi ko.

Nakita kong tumango sya kaya lumabas na ako.

Ilang minuto lang ay pumasok na ako at nakita ko si Flame na naka-sando st boxer habang naka-higa sa kama.

Nilagay ko ang palad ko sa leeg nya at naramdaman kong mainit ang katawan nya.

"Shit! Flame may lagnat ka!" Sabi ko.

"Dapat pala hindi na kita sinama sa ulan, 'yan tuloy nilagnat ka." Sabi ko.

Agad akong pumunta sa banyo at buti nalang nakakita ako ng palanggana.

Binigyan ko ng sabon ito at bumaba muna ako sa dirty kitchen nila.

"Manang saan po nagpapainit ng tubig dito?" Tanong ko.

Itinuro nya kung paano kaya pagkabalik ko ay hawak ko ang maligamgam na tubig na nasa palanggana.

Agad kong binuksan ang pinto at nakita kong nilalamig si Flame.

Inilagay ko ang palanggana sa gilid malapit sa lampshade at sinalat ko ang leeg nya.

"Shit Flame sobrang init mo na."

"N-N-N-Nathan... P-P-Patayin m-mo 'y-y-yung a-aircon." Sabi nya.

Tumango ako at patakbo kong pinatay ang aircon.

Babysitting the CEO's Son [BxB]Where stories live. Discover now