Chapter 14

7.3K 302 10
                                    

Chapter 14 - He's Leaving.

"TUMINTINGIN ka?!" Inis na tanong ko kay Flame.

He just smirked. "Nothing." Sabi nya habang nakangisi.

Umirap ako sa kanya at napabuntong ng hininga. Kita ko pa ang ibang katulong ni Sir Zeke habang pinapasok ang gamit naming dalawa ni Flame.

Bwisit na bwisit ako ngayon. Eh paano ba naman, makakasama mo araw-araw ang kinaiinisan kong tao.

Napabuntong hininga nalang ako. "Magpapalit lang ako." Sabi ko at kinuha ang isang bag ko at pumasok sa isang banyo.

Pagkatapos kong magpalit ay nakita ko si Sir Zeke at Sir Peejay na nakangiting tumingin sa'min.

"Finally you're here. Did you check out your room?" Tanong ni Sir Zeke.

Sabay kaming umiling ni Flame.

He snapped his fingers. "Well, mamaya nyo na i-check ang buong bahay. I specially made this for you two." Naka-ngiti nyang sabi.

Kumunot ang noo ko. "Bakit po?" Tanong ko.

He smiled. "Nothing, come in the kitchen. Isa sa mga cooks natin sa mansyon sumama dito para mag-luto. So come." Naka-ngiting sabi ni Sir Zeke.

Dahan-dahan akong tumango. "O-okay"

-

NANDITO kami ngayon nila Sir Zeke, Sir Peejay kasama ang ibang katulong nila habang kumakain kami sa isang malaking lamesa.

Naiilang ako ngayon dahil nakikita ko sa harapan ko na nagsusubuan na si Sir Zeke at Sir Peejay.

"Try this love." Sabi pa ni Sir Zeke habang sinusubuan ng kaldereta si Sir Peejay.

"Isn't that so cringy??" Naiilang na sabi ni Flame.

"Ano kaba. Mga magulang mo ang mga 'yan." Sabi ko.

He rolled his eyes at pinagpatulpy ang pagkain. "Whatever." Sabi pa nya.

-

"See you next time, Nathan and Flame." Paalam ni Sir Zeke.

"See you next time po." Sabi ko habang si Flame ay tumango lang.

Agad na syang pumasok sa loob habang kumakaway naman ako habang paalis sina Sir Zeke at Peejay.

Pumasok ako sa loob at nakita kong papunta din si Flame sa kwarto.

Halos sabay kaming pumasok sa loob pero napahinto ako sa pinto.

"Wait, sa kabilang kwarto ako." Sabi ko at umalis.

Pinagbubukas ko lahat ng pinto sa hallway na makita ko pero wala akong makitang ibang kwarto.

Agad akong bumalik sa kwarto kung nasaan si Flame.

Nakita ko syang nakahiga sa isang malaking kama habang nakalagay ang dalawang kamay nya sa likod ng ulo nya.

"Asan pa ang ibang kwarto?" Tanong ko.

Umiling sya. "Wala." Simpleg sabi nya.

Napakunot ang noo ko. "Anong wala?" Inis kong sabi.

Tumayo sya. "Wala, isa ang ang kwarto dito." Sabi nya.

Halos mapanganga ako sa sinabi nya.

Iisa kaming kwarto matutulog?

'Wag kana mag-inarte natulog na din kayo sa iisang kwarto, magka-yakap pa at magkatabi pa."

Babysitting the CEO's Son [BxB]Where stories live. Discover now