Part 4

3 0 0
                                    


"Sya si July Sandoval. He has an average of 200 in taking an IQ examination." Bungad ni Genever sa akin

"Wow. Napaka astig naman nya kung ganon. Paano kaya sya inalagaan ng mga magulang nya" Sagot ko

"I don't know basta famous sya dito sa school. Section A representative sya." Genever

Alis na muna ako kailangan ko magtake ng special examination e.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya

"Special Examination" Sigaw ko

Dirediretso akong bumaba sa lobby. Hanggang sa makasalubong ko yung lalaki na si July Sandoval. Napatigil ako ng ilang minuto. Bakit parang iba yung naramdaman ko sa kanya.

"Who are you?" Tanong nya sa akin habang nakatalikod ako

Humarap ako sa kanya at tinitigan sya ng maigi. Ang weird naman ng nararamdaman ko. Ilang minuto kaming nagkatitigan.

"Sorry i have to go" Sigaw ko.

Umalis ako dahil naalala ko yung special examination ko. Pagdating ko sa auditorium ang daming students ang nagretake ng special examination. Inabutan na ako ng exam sheet ng isang prof. Ilang Oras ay natapos ko na din yung exam. Naghintay ako ng result para sa TOP100 students. Luckily pang 8 ako sa listahan. Bumalik na ako sa classroom pagkatapos kong makita ang result.

"Karen!" Sigaw ni Odette

"Bakit?" Sagot ko

"Kamusta ang pakikipag titigan mo kay Mr. July Sandoval. Na inlove ka na din ba sa kanya?" Odette

"Nope. Pero weird e. Parang may taling nagpahinto sa akin." Share ko sa kanila

"Tali? Baka spark ang tawag dyan" Odette

"Ewan ko. Sige Cut off na ng klase" Bati ko

"Baka gusto mong sumama sa amin sa beach." Yaya ni Odette

"Sige why not" Pumayag ako. At samama sakanila sa beach.

Napansin ko din na maraming babae ang nasa beach malapit sa school namin. Kaya naman pala nandito din yung July Sandoval. Humiwalay ako kay Odette at Genever. At pumunta sa lugar kung saan hindi nila ako makikita. Tinanggal ko ang mga sapatos ko at tumalon sa tubig. Nakakamiss din lumagoy sa dagat. Habang nagsasaya ako sa paglangoy sa dagat.

"Karen?" Genever

"Sirena ka?" Bungad nya sakin

"Hah!" Anong ginagawa mo dito" Sagot ko

"May nais din akong ipaalam sa iyo" Sagot nya

Tinanggal nya ang mga sapatos nya at tumalon sa tubig.

"Sirena ka din?" Tanong ko

TALE OF A MERMAIDWhere stories live. Discover now