Part 6

1 0 0
                                    

 "Ang pagibig ng isang sirena sa isang tao ay isang malaking paglabag sa kautusan nating mga sirena dahil. May kaakibat na problema ang pagiibigan nilang dalawa" Sagot naman ni Genever

"Nandito lang pala kayong dalawa" Sigaw ni Odette

"Bakit parang basang basa kayong dalawa?" Tanong nya sa amin.

"Nabasa kase kami kanina nung may isang sirena na nanggulo dito." Paliwanag ko

"Totoo pala na may sirena dito" Odette

"Tara na." YAYA ni genever sa amin.

Ano na lang kaya ang iisipin nila kapag nalaman ni Odette na sirena kami. Umuwi ako ng bahay namin. Nakita ko si Justin na kasama si Celine at Karl na kinakausap si Justin.

"ANONG GINAGAWA MO DITO!" Sigaw ko

"Karen. Patawarin mo sana ako sa aking nagawa" Justin

"Alam mo ba na nanggulo si Inang Reyna kanina. Sinisisi nya pa ang mga taga lupa dahil sa inakala nya na nakuha ka na ng mga ito. Masyado kang pagdalos dalos sa iyong mga ginagawa Justin. Umuwi ka na sa ating kaharian" Hirit ko

"Nais lamang kitang kamustahin dito sa mundo ng mga Lupa" Justin

"Alalahanin mo si Inang Reyna ipinababatid nya sa akin na umuwi ka na sa ating tahanan." Sagot ko

Umalis ng bahay si Justin at Bumalik sa aming kaharian. Napakasuwail na bata talaga ng aking kapatid.

"Sigurado ka ba Karl na nakauwi na sya?" Tanong ko

"Hundred percent sure" Sagot ni Karl

Dahil sigurado ako na nakauwi na si Justin sa aming kaharian. Umakyat na ako sa aking kwarto. Napaisip tuloy ako kung ano yung problemang kaakibat sa pagmamahalan ng isang tao at sirena.

"Prinsesa Karen. Nakatanggap ako ng mahalagang balita mula sa kaharian natin. Hinihiling nya na umuwi ka sa iyong kaarawan sa Merland" Celine

"Nabalitaan ko din na nakita mo na ang batang lalaki na matagal mo nang hinahanap Mahal na prinsesa. Pero gusto ko lang na malaman mo na isa kang prinsesa ng kaharian natin Milyong Milyong Sirena at Sireno ang tumitingala sa inyo." Hirt pa nya

"Pero Celine. Natatandaan mo pa ba yung Kwento sa kaharian noon. Na may isang Sirena na umibig sa isang taga lupa. Nung kinuwento ni Inang Reyna sa akin yon nung bata pa ako hindi nya na natapos. Alam mo ba kung anong sumunod na nangyari?" Tanong ko kay Celine

"Yung Sirena. Ay naging malungkutin. Dahil pinaghiwalay sila ng kaniyang magulang mula sa isang taga lupa. Hanggang sa naging mailap na sya sa mga taga lupa Simula noon wala nang sirena ang gustong pumunta sa mundong ito" Celine

Umalis si Celine sa kwarto ko at Sinarado ang pintuan. Parang si Inang Reyna Mailap sa mga taga Lupa. Palagi nyang sinasabi na delikado sa Mundo ng mga taga lupa. Kinaumagahan. Pumasok ako ng maaga sa school. Nagbabakasakali na makita ko ng mas maaga si July Sandoval. At swerte ko naman. Lumapit ako sa kanya. Ang weird nararamdaman ko pa rin yung nararamdaman ko nung unang beses kaming nagkita. 

TALE OF A MERMAIDWhere stories live. Discover now