YEAR 2019

1 0 0
                                    

Ilan taon akong umiwas kay July. Nakagraduate na kami ng college at Sa ngayon isa akong teacher ng isang orphanage. Hindi ko pa rin nakikita si Celine. Hindi sya nagparamdam sa amin ni Karl kahit isang beses lang kung saan saang Water park ako pumunta. Mahanap ko lang sya. Nanunuod din ako ng mga Mermaid shows pero kahit isa wala din sya. Hindi ko maiwasan na magalala kung kamusta na sya. Nagkikita pa naman kami ni Genever at Odette sa katunayan palagi silang pumupunta kung saan ako natatrabaho.

"Nakita mo na ba si Celine?" Tanong ni Genever sa akin

"Hindi pa rin" Sagot ko

"Nasubukan mo na bang bumalik sa kaharian nyo?" Tanong nya ulit

"Hindi ko pa nasubukan pero balak kong bumalik at maglakbay sa karagatan para lang mahanap ko sya" Sagot ko

"Kung gusto mo maaari kitang samahan sa paglalakbay mo" Genever

"Huwag na maraming salamat na lang" Sagot ko

Kinagabihan nagpasya ako na maglakbay sa papunta sa kaharian namin pero pagdating ko wala si Celine doon. Kaya naglakbay ako sa ibat ibang kaharian at nagbabakasakali na magkita ko si Celine. Sa di kalayuan may nakita akong isang barko. Pumasok ako sa malaking butas ng barko. Doon ko nakita si Celine na nakakulong sa isang Lalagyan na may tubig. Ginamitan ko ng kapangyarihan ko yung kulungan at pinakawalan ko si Celine.

"Si Lee. Nandito din si Lee" Sigaw ni Celine.

"Halika na kailangan na natin umalis" Sagot ko.

"Hanapin natin si Lee." Sagot nya

Nagpasya akong hanapin si Lee. At nakita naman namin sya.

"PRE YUNG SIRENA NAKA WALA AT MAY BAGONG SIRENA NA NAGPAKITA" Sigaw ng isang lalaki

"Tawagin mo si Gov. Luis." Sigaw naman nya sa kasama nya.

Ilang saglit lang dumating na yung sinasabi nilang si Gov. Luis.

"Hulihin nyo sila. Dahil malaking pera ang makukuha natin sa kanila." Sigaw ni Gov.

"Dalian nyo. Umalis na kayo dito" Sigaw ko.

Umalis sila at Nagpaiwan ako dito Magagawan ko ng paraan makakaalis ako dito. Pinagbabato nila ako ng mga matutulis na bagay.

"Sa wakas nahuli din kita" Gov. Luis

"Anong kailangan nyo sa aming mga sirena?" Tanong ko sa kanya

"Kayo ang dapat na tinatanong ko. Ano ang ginagawa nyo sa mundo namin. Balak nyo ba na sirain ang mundo namin." Gov. Luis

"Wala kaming balak na manggulo sa inyo. Kayo ang umuubos sa mga lahi namin. Pinagbibili nyo kami at madalas pipapa patay." Sigaw ko

Naghanap ako ng ibang paraan para makawala ako sa matalas na bagay na ito. Mabuti na lang at dumating si Justin. At iniligtas nya ako. Lumabas kami ng barko na iyo pero may mga sumusunod pa rin sa amin. Hanggang sa may tumusok sa akong mga buntot.

"Mauna ka na Justin kaya ko na ang sarili ko." Sagot ko.

Binilisan ko ang pagpadyak ng buntot ko at binilisan ko ang paglangoy ko kahit masakit kailangan ko tiisin. Hanggang sa may isang malaking bagay na tumama sa akin at tumalsik ako sa Lupa. Hindi pa rin ako nagkakaroon ng Paa. Anong nangyari bakit ganito?

"Tatakas ka pa mula sa amin" Gov. Luis. 

TALE OF A MERMAIDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum