KAREN AUGUST

3 0 0
                                    


Nabigla ako sa sinabi nya na hinahanap nya din ako.

"By the way. My brother wants to meet you" Hirit nya

"I have to go" Habol pa nya

Umalis sya at bumalik sa school. Sa sobrang tuwa ko ay tumalon ako sa dagat at nagpalangoy langoy. Naalala ko kaarawan ko pala bukas. Inisip ko kung babalik ba ako ng kaharian namin. Pero namiss ko din man si Inang Reyna kaya Kailangan ko na sigurong bumalik sa karagatan.

Kinabukasan. Maaga kaming umalis nila Karl at Celine. Mahabang paglalakbay ang gagawin namin. Nagiwan ako ng sulat para kay Genever. Sana makapunta sya. Syempre nagiwan din ako ng sulat kay Odette para naman di sya magtaka kung bakit wala ako.

"MALIGAYANG PAGBABALIK MAHAL NA PRINSESA KAREN!" Bati ng mga Kawal sa akin.

"Inang Reyna." Bungad ko

"Buti at sumangayon ka sa akin na dito ganapin ang iyong kaarawan." Inang Reyna

"Karen!" Bati ni Justin

"Kamusta ka na dito" Bati ko sa kanya

"May bisita ka mula sa ibang kaharian." Justin

Nabigla ako ng makita ko si Genever na pumunta sa kaarawan ko. Lahat ng tao ay nagdiwang nagsaya at kumain ng kumain. Kinuwento ko kay inang reyna kung gaano ako kasaya sa mundo ng lupa.

"Ina kailangan na po namin bumalik sa lupa" Sagot ko

"Magiingat ka sa iyong paglalakbay mahal kong prinsesa" Inang Reyna

Umalis kami sa kaharian at bumalik sa mundo ng mga lupa. Kasabay ng aming paglalakbay ay nagkaroon ng isang bagyo. Napahiwalay ako sa aking mga kasama. Nautog ako sa isang bato at Nawalan ng Malay. Nagising na lamang ako na nasang isang bahay ako? Kanino namang bahay ito?

"Gising ka na pala" July

"Sabi na nga ba ikaw ang sirena na matagal ko nang hinahanap" Hirit nya

"Paano mo ako nakita?" Tanong ko sa kanya

"Subukan mo sumilip sa bintana" July

Lumingon ako sa bintana kitang kita ko ang paghampas ng alon sa dagat Sobrang lakas. So Dito nya pala ako nakita.

"Isinasaulit ko na sayo ito" July

Iniabot nya sa aking yung perlas ko. At Yumakap sa akin.

"Matagal kong hinintay yung pagkakataon na ito na makita kitang muli." July

"Teka nga paano ka nakakasisiguro na ako nga yung sirena na hinahanap mo? Marami namang ibang sirena dyan bukod sa akin na kahawig ko baka nagkakamali ka lang" Sagot ko.

Tumayo ako mula sa higaan at Lumabas ng bahay nya. Naalala ko yung sinabi sa akin ni Celine at Genever na may kasamang paghihirap at pasakit ang pagmamahal ng isang sirena sa isang taga lupa. Kailangan ko umiwas sa kanya hanggang maaari. Umuwi ako sa bahay namin at pero hindi ko nakikita si Celine si Karl lang ang nandito. Tinanong ko si Karl kung bakit wala pa si Celine. Hindi nya sinasagot yung tanong ko sa kanya. Umiiwas lang sya ng tingin sa akin. Totoo nga may kapalit ang nais kong mangyari. 

TALE OF A MERMAIDWhere stories live. Discover now