|LATE|

514 24 4
                                    

Masayang may kaibigan diba? Pero tangina mas masaya kapag demonyo kaibigan mo noh?! Syempre sarcastic ako dun hindi kaya masaya nyeta!

So ayun nga iniwan ako nung dalawang Hapon kasi daw malapit na silang malate. EH PAANO NAMAN AKO!!!

"Minatozaki Sana, late nanaman?" sabi ni Jihyo ang aming Student Council

"Iniwan ako nung dalawa eh!!!" reklamo ko naman sa kanya.

"Magiging late ka pa rin naman kapag hindi ka nila iniwan eh" sabi naman ni Nayeon ang aming Student Council Secretary habang may mga dalang papel.

"At mas malala pa kasi kapag kayong tatlo andito, sasabog ang office" sabi naman ni Jihyo ng natatawa. I just pouted habang umupo ako sa gilid.

Hinihintay ko na lang ang tardy slip ko. "Nasaan si Jeongyeon?" tanong ko kay Nayeon.

"Ah may sinamahang transferee kay Principal Park" sagot ni nayeon sa tanong ko. "Bakit?" she asked back.

Bago ako makasagot kay Nayeon ay bumukas ang pinto mula sa office ni Principal Park. At andyan si Jeongyeon kasama ang pinAkA maGaNDanG BAbaE nA naKiTA Ko LiKe OMG. Matangkad siya at may seryoso pero napaka gandang mukha. Mahabang buhok na kulay itim. Tanned skin, at may suot siyang long sleeve polo at jeans. Mayroon din siyang cat eyes na medyo intimidating. Cute small nose and lips uwu. Sana wag muna maging malande, sinabi ko sa sarili ko.

"Psst! Sana isara mo nga yang bibig mo ahahaha" sabi naman ni Jeongyeon ang aming Student Council Vice President. Natawa si Nayeon at Jihyo sa sinabi ni Jeongyeon at tahimik naman ang babaeng kasama ni Jeongyeon. Naramdaman ko na namumula mukha ko dahil sa hiya.

"Shut up!" sabay kong sigaw. Tinawanan na lng nila ako.

"Thank you po" sabi ng babae while bowing. Tinitigan ko siya habang paalis na siya. Ang ganda niya.

"Hoi Sana ito na tardy slip mo" napatingin ako kay Jihyo. "Tsk tsk, mukhang may bagong crush si Miss Minatozaki" sabi ni Jihyo ng nakangiti.

"Anong crush!!?" sabay sigaw ko. " Shhh manahimik ka nasa principal's office ka pa rin" suway ni Jeongyeon sa akin.

"Pero totoo naman sinasabi ni Jihyo eh" Jeongyeon added. " Grabi kaya yung tingin mo sa kanya, tumutulo na rin laway mo eh" pang aasar ni Jeongyeon. Sabay silang tatlo tumawa.

Lalong namula ang mukha ko. "Ewan ko sa inyo!" sigaw ko ulet.

"Pft, in denial ka pa, oi pumunta ka na ng klase papagalitan ka ni Ms. Irene" pinaalala ni Nayeon sa akin.

"Hala! oo nga pala, ayoko mapagalitan." nagaalala kong sabi. "Eh kayo wala kayong klase?" tanong ko sa kanila habang kinukuha ang aking bag.

"May event mamaya kaya excused kami" sagot ni Jihyo.

"Oh sige bye muna, kita kita na lng mamaya" sabi ko habang palabas ng office.

Tumakbo ako papuntang klase pero bigla akong napaisip...

Ang ganda nung babae aahhh. Sino kaya siya?...gusto ko siyang makilala.

Buong klase ko ang babaeng yun lng inisip ko. Napaglitan ako malamng, pero di ko pinagsisisihang na-late ako ayiee. Landi diba ahaha.

『THREE TIMES A DAY』 ∥《 mitzu X motzu X satzu 》Where stories live. Discover now