|THIRD: MINA|

323 16 1
                                    

Mina

"Ako talaga mahuhuli na maksama si Tzuyu" Sabi ko papunta sa library.

"Hayaan mo na, save the best for last nga diba?" Sabi ni Jihyo habang kinikindatan ako. Napangiti naman ako dito.

"Kahit na matagal pa kaya, uwian ko pa siya makakasama" Sabi ko naman.

"Malay mo lng may himalang mangyari" She says while shrugging.

"Hays Jihyo baliw ka talaga" sabi ko sa kanya.

"Totoo naman eh-" Napatigil si Jihyo sa pagsalita ng may nagtext sa kanya. Binuksan ko naman ang pinto ng library, ako kasi ang president ng Year Book club kaya lagi ako mapupunta dito 1 hour bago mag lunch.

Nag good afternoon kaming dalawa sa librarian na dala ang ilang mga libro para ayusin at nag good afternoon rin siya sa amin.

"Jihyo, ano pala yung kailangan mong  kunin?" tinanong ko habang lumilingon kay Jihyo.

"Ah, yung records ng taxes na pinang bayad para sa mga bagong libro" Sabi niya habang nakatingin sa phone niya.

"Icacalculae ng bagong Auditor yung budget natin eh" Dugtong pa niya, pero ngumingiti siya sa akin.

"Bakit may pangiti kang nalalaman?" Tanong ko sa kanya habang papunta sa mga records ng library.

"Hmm, wala lng hehe" Sagot niya.

"Weird mo unnie."

"Ay bago na yung Auditor? Bakit niyo pinalitan?" Tinanong ko siya at binigay ang records sa kaniya.

"Ang tamad nung una potek, di nga magaling mag math eh bwiset"  Sabi niya ng naiinis, at tinawan ko lng siya.

"Pansin ko rin yun eh, everytime na pupunta siya dito para mag calculate ng records natutulog lng siya" Sabi ko sa kanya.

Narinig namin na bumukas ang pinto ng library.

...

si Tzuyu andito....

Naptitig ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit, pero sobrang nagagandahan ako sa kanya. She draws me in just when she enters the room.

"Hi Jihyo unnie" bumati siya kay Jihyo.

"Hello Tzu, ito na pala yung records bilangin mo na yan ah babalik ako dito mamaya" Lumaki mata ko sa sinabi ni Jihyo.

"S-siya yung bagong a-auditor?" tanong ko kay Jihyo.

"Opo hehe" "Tzuyu-ah ito si Mina-unnie mo siya yung president ng yearbook club kaya kung kailangan mo ng records ng mga expenses ng school alam niya kung saan nakalagay sa school" Tumingin si Tzuyu sa akin at potek yung titig niya.

"Dito ka na lng din pumunta tuwing hapon para mag calculate at magpahinga kasi baka maingay yung office kapag andun sila Nayeon-unnie mo" Dagdag ni Jihyo

TUWING HAPON? LAGI KO SIYANG MAKIKITA??? I looked at Jihyo with confusion evident in my face. Nginitian niya lang ako with matching kindat bwiset.

"Hi Mina-unnie it's nice to meet you" Sabi ni Tzuyu while bowing, ang respectful niya sana all.

"H-hi Tzuyu-ah" Nag bow rin ako sa kanya.

"Naks, bye na sa inyong dalawa babalik pa ako office nagaaway pa ata yung dalawang magjowa dun" sabi ni Jihyo, hays obvious naman na sila Jeongyeon at Nayeon yung nagaaway.

Narinig ko nagsara ang pinto pero tiningnan ko lang si Tzuyu na umupo sa isang table para simulan na pag record. Lord salamat at yearbook club ang pinili kong club.

After 30 Mins...

Alam ko ang iisipin niyo na kakausapin, lalapitan at magsoscore ako kay Tzuyu. Pero sa tingin ko medyo halata naman na torpe ako....bwiset.

Andito lang ako, nagduduty sa likod ng counter kasama ang librarian. The whole 30 minutes na dumaan simula kanina nakatitig lang ako kay Tzuyu. Mukha na akong stalker dito.

"Hello po" Nabigla ako at ng may nagsalita, muntikan na tuloy ako mahulog sa upuan. Natawa naman ang librarian sa akin at ramdam ko na namumula mukha ko sa hiya.

"A-ah b-bakit ano po y-yun" I say with a shy smile.

"Hihiramin ko lang po yung librong ito" Sabi ng babae.

"O-ok" Sabi ko habang nireregister ang libro pati ang pangalan ng estudyante.

Pagkatapos nun inutusan ako ng librarian para ayusin yung mga librong nakakalat.

"Mukhang gusto mo yung bagong auditor ah" Sabi niya habang inaabot ang ilang mga libro. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"H-hindi po!" I defended.

"Hmm, talaga lng ah Ms. Myoui, your face says otherwise" Sabi niya ng natatawa, hinawakan ko naman mukha ko at ramdam ko ang init nito. "Sige na gawin mo na inuutos ko" She says while slightly pusing me.

I pouted my lips at dumeretso na sa pagayos lng libro, pero syempre di ko napigilan tumitig kay Tzuyu. At nasobrahan ata titig ko.

May nakabangga sa akin na tumtakbo na estudyante. Sabi ngang bawal tumakbo sa library tumatakbo naman bwiset naman toh.

Pinupulot ko ang mga libro na nalalag at nakita ko may nakaabot sa akin na libro.

"Salamat" Sabi ko ng hindi tinitingan ang tumulong.

"Ngayon lng kita hindi narinig na mag stutter ah" Sabi niya.

My eyes widen sa narinig kong boses, tiningnan ko si Tzuyu. Godjihyo mahihimatay na ata ako.

"Parang nakakita ka ng multo ah" Sabi niya sa akin.

"A-ah ano g-ginagawa mo dito Tuyu-ah" Sabi ko habang tumatayo ng mabilis.

"Masama ba tumulong unnie?" Tanong niya habang nakataas ang kaliwang kilay at sinundan ako sa pagtayo. "H-Hindi naman..."

"Tigil na sa pag-stutter unnie tulungan na kita mag ayos" Okay Mina pwede ba tigilan mo na pag-stutter mo.

"Eh?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Okay lng unnie tapos na ako sa trabaho ko, deretso na rin tayo sa canteen para mag lunch" Sabi niya ng seryoso at kinuha ang ibang mga libro at dumeretso sa mga shelf.

"Ang seryoso niya palagi..." Sabi ko sa sarili ko.

Napangiti naman ako habang naktingin sa kaniya. "hays ang torpe mo talaga Mina" Sabi ko habang naglakad papunta sa mga shelf.

After a few minutes...

Nagpaalam na ako sa librarian at kita ko na inaasar niya ako kasi kasama ko si Tzuyu. Hayst ang tanda tanda na ng babaeng yun parang bata mangasar.

Papunta na kami ngayon sa canteen para kumain ng lunck kasama ang mga kaibigan namin. Ang tahimik lng namin ni Tzuyu, pero hindi ako magrereklamo. I like quiet.

Tumingin naman ako ng sandali kay Tzuyu kita ko na may onting ngiti siya habang nagbabasa ng libro, hayst ang ganda niya talaga tapos ang bait pa. Nakangiti lang ako habang naglalakad.

Ang saya naman ng araw na toh.

『THREE TIMES A DAY』 ∥《 mitzu X motzu X satzu 》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon