Chapter 9

1.7K 78 8
                                    

Follow me on twitter @AshTanWP. I changed my UN na guys, AshTanDavao yun before hehe


Disclaimer: I'm not related with Ashley's family and so with Tan's Family, this story is fanfic only, and sorry for my typos, luv ya'll


Tan's POV

Ilang araw na din ang lumipas at hanggang ngayon ay consistent parin si Ashley sa pangungulit saakin, Hindi naman sa ayaw ko pero kasi alam mo yun? Ang awkward lang sa part ko kasi gusto ko nang mag move on sakaniya. ang unfair eh, Siya libre siyang bwisitin ako kasi for sure naman di na awkward para sakaniya kasi may B na siya, pero ako? Ano bang gusto niyang mangyare? Siya na nagpapakasayang binibwisit ako? Habang ako nagdudusa sa pag titiis?




Araw araw tinataboy ko siya kasi minsan naiinis na ako, lagi siyang bumabanat, lagi siyang may pick up lines pero alam mo yun? Pakiramdam ko pinag ti-tripan niya lang ako.





Araw araw nga din pala akong iniiwan nina princes at ate chris dito, bumabalik lang sila mga after 1hour na naka alis na si ashley, alam ko namang planado tong lahat eh.



Alas otso na ng umaga ngayon at for sure nasa baba na si ashley, it's either nagluluto siya or tapos na siyang magluto at naka upo na siya sa sofa ngayon. Gustohin ko mang hindi siya makita kaso gutom na ako, titiisin ko nalang ang kakulitan niya.



Ginawa ko na ang every morning routine ko, nagligpit ng higaan, nagtoothbrush at nag hilamos na din, pagkatapos ay bumaba na ako saka sinilip ang sofa kung may tao bang naka upo pero wala, nang tuluyan na akong maka baba ay sinilip ko ang kusina at confirm, nagluluto nanaman siya.




"Ano nanaman bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya pero parang nagulat yata siya kaya napatalon siya ng konti, hahaha parang bata




"Jeez! Is that how you greet me Goodmorning?" Sabi niya saka inirapan ako tapos bumalik sa pagluluto "are you really gonna ask me that question everyday?"




Oh diba? Di niya nalang talaga sinagot ang tanong ko "And are you really gonna bwiset me everyday?" Sagot ko, for sure umirap nanaman yon "Hindi ako bata para araw araw mong pagsilbihan"



Inoff niya na ang stove tsaka kumuha ng plato, parang tapos na yata siyang magluto "Can't you just thank me for cooking for you every morning? It's not like ikamamatay mo kumain ng mga dishes ko you know?" Sabi niya saka nilipat yung niluto niya sa plato saka nilagay sa mesa "bakit? Hindi ba masarap yung mga luto ko?" Tanong niya




Umupo na ako sa mesa saka kumuha ng kanin at nilagay sa plato ko "Wala akong sinabe, ang sabi ko lang ay hindi ko na kailangan na lagi mo akong pinagluluto. Kaya ko na ang sarili ko" sabi ko saka kumuha ng ulam na niluto niya




"Well for the record, I'm not asking for your permission naman para ipagluto ka every morning, you have the choice naman if you'll gonna eat or not" sabi niya saka kumuha na din ng ulam, nasabi ko na ba sainyo? Hindi nga pala nagkakanin masyado tong babaeng to, ewan ko ba diet ata





Hindi ko nalang siya pinansin saka nag simula nang kumain, siya naman panay picture sa pagkain niya tapos iuupload nanaman sa IG, alam niyo yung malala? Yung sinasadya niya yatang makita yung half body ko sa picture, kahit hindi nakikita mukha ko e halata namang ako yun, kaya kapag nag uupload siya eh parating sabog notifs ko sa IG at twitter kaya nag deactivate muna ako kahapon




"Huwag mo ngang sadyain na nakikita ako dyan sa mga pictures mo" sabi ko nang hindi tumitingin sakaniya





"Why are you so feelingero?" Sabi niya saka narinig ko yung pag kaskas ng kutsara niya sa plato, buti naman at kumain na din. Na a-awkward ako kapag picture siya ng picture eh "you're not gwapo kaya para picturan ko"




Back to you (AshTan Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now