Chapter 11

1.8K 89 13
                                    

Follow me on twitter @AshTanWP. I changed my UN na guys, AshTanDavao yun before hehe

Disclaimer: I'm not related with Ashley's family and so with Tan's Family, this story is fanfic only, and sorry for my typos, luv ya'll


Tan's POV


dali dali akong naligo, nag bihis at nag papogi ng konti, siyempre babawi ako kay ashley eh. Dapat pogi ang lolo niyo diba?



Nagtext din ako sa isang flower shop na malapit lang samin dito sa manila, nagpa deliver kasi ako ng red and white roses na boquet, ang di ko kasi talaga makakalimutan sa mga bagay na gusto ni ashley eh ang white and red na roses, parati siyang nag gu-google dati ng mga pictures nun tapos ginagawa niyang wallpaper


Wala pang dalawang minuto ay nagreply na ang flower shop na tinext ko, within 15 minutes daw ay nasa labas na ng bahay. Time check 6:36 pa naman ng umaga kaya hihintayin ko nalang ang flowers, nagpa deliver na din ako sa macdo ng nuggets,chicken burger at chicken fillet ala king para ibigay kina tita kith at ashley, alam ko din kasing favorite yun ni ash



Bigla namang may kumatok sa pinto, si princess lang pala "Kuya?" Sinenyasan ko naman siya na pumasok




"Bat ka nandito princess?" Tanong ko sakaniya pagkatapos ay may nilahad siyang isang box ng cookies "ano to?"tanong ko saka tinanggap yung box




"Gawa yan ni ate chris, ibigay ko daw sayo para mabigay mo kay ate ashley, galit yata si ate chris sayo kuya kaya ako inutusan niya" sabi niya bago niya ako talikuran saka umalis



Ang dami naman atang galit sakin? Kasi for sure galit din si tita kith at kuya vince saakin, kung di ba naman kasi ako isang malaking tanga diba?



Napa buntong hininga nalang ako saka tinitigan ang wallpaper ko, hindi ko maiwasang maluha sa mga nangyayare sakin ngayon, ang sakit, ang sakit sakit sobra.



"Ashley naman kasi" bulong ko habang hinahaplos ang mukha niya sa cellphone ko "Ba't mo pa kasi ako iniwan? Hindi na sana tayo umabot sa ganito ash. Hindi na sana tayo nagkakasakitan.."




Mahal kita ashley eh, mahal na mahal. Pero bakit kailangan mo akong iwan noon?



Bakit bigla bigla ka nalang umalis sa tabi ko? Masaya naman tayo noon eh.. sa sobrang saya nga natin noon, diko na namalayang may intensyon ka palang iwan ako.



"Kung sana may isa pang pagkakataon? Hinding hindi ko na hahayaang maka alis kapa sa tabi ko, pangako yan"



Nagpalipas ako ng ilang minuto sa album ni ashley sa cellphone ko, simula pa nung nakalabas na kami ng pbb at nagka cellphone na, may sarili na talaga siyang album dito. Lagi ko siyang kinukuhanan ng litrato, ng videos, pati nga boses niya nirerecord ko. Ganyan ko siya ka mahal noon pa.



Walang araw na hindi ko siya nakukuhanan kahit litrato man lang, pati nga sa pag nguya niya vinivideohan ko pa sa sobrang cute niya.


Napahinto ako sa isang litrato, ito yun eh, ito yung mga oras noon sa pbb na sabi niya na gusto niya din ako, na may nararamdaman na din siya saakin

(Read online to see photo)

(Read online to see photo)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Back to you (AshTan Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now