Chapter 13

1.9K 83 15
                                    

Thankyou sm for the 30+ votes last chapter, Here's chapter 13, Iloveyou guys so much! And btw binabasa pala to ng ate ni Tan huhu, look at her tweet! (Nasa taas or gilid siguro) shet im shy!

Disclaimer: I'm not related with Ashley's family and so with Tan's Family, this story is fanfic only, and sorry for my typos, luv ya'll



Tan's POV



Nagising ako ng maaga unang una siyempre para makapag handa ako sa pagpunta ko kay ashley sa ospital, naligo na ako at nag ayos saka humarap sa salamin "Pogi mo ngayon paps ah" sabi ko sa sarili ko saka nag flex pa ng biceps ko



Stripes na polo na kulat maroon ang aking suot at pinares ko ito sa lacoste kong maong shorts, sinuot ko din nga pala yung skechers na itim na bigay samin noon ng isang AshTan fan, couple shoes daw namin




Anyways, bumaba na ako saka nagpaalam kay princess na aalis na ako. Galit parin si ate chris saakin, ang sabi niya eh hindi niya ako kakausapin kapag di pa nakakalabas si ashley sa ospital kaya hindi ko muna kinulit si ate. Sumakay na ako sa kotse saka pinaandar ang makina





Mag a-alas otso pa ng umaga kaya napag pasyahan ko munang pumunta sa macdo at bumili ng nuggets kesa magpa deliver. Nang makarating ako sa pinakamalapit na macdo ay may iilan ding taong nakakilala saakin kaya bago pa man ako maka order ay may picture picture munang naganap




Inabot din siguro ako ng mga 30 minutes bago matapos umorder ng tatlong box ng nuggets, apat na burger at tatlong large na macdo fries, kaya pagkatapos ay pumasok na ako sa kotse saka nagsimulang mag maneho




Nang makarating ako sa ospital ay nagtungo ako agad sa kwarto ni ashley saka kumatok, pinagbuksan naman ako ni tita kith kaya ngumiti ako at pumasok "Tita gising na po ba si ashley?"




Napatingin naman si tita sa dala dala kong pagkain "para ba kay ashley lahat ng yan? Ang dami naman anak" sabi ni tita saka tinulungan ako "oo kakagising niya lang, puntahan mo na,  ayaw niya daw kumain kapag hindi kapa dumadating eh"




Napailing nalang ako habang naglalakadpapalapit sa higaan ni Ashley, nakita ko naman siya na naka upo saka parang carried away na carried away sa pinapanood niya na halos di niya ako mapansin. pag tingin ko sa tv eh tom and jerry lang naman pala



Dahan dahan ko namang kinuha ang remote sa tabi niya saka nilipat ang channel kaya siya naman eh halos umusok na ang ilong sa sobrang galit "MOMMY WHY DID YOU—" hindi niya na natuloy ang pagsisigaw niya kasi nakita niya na ako, yung umuusok niyang mukha kanina eh napalitan na ng parang nangangamatis sa sobrang pula hahahaha!



"Hindi ka pwedeng manood ng Tom and Jerry kapag di kapa kumakain" sabi ko saka tinago ang remote sa likod ko



"H-how long have you been here inside?" Sabi niya nang tinatakpan ng kumot ang bibig niya "You should've texted me! I didn't sipilyo pa!" Sigaw niya saka dali daling bumaba sa higaan agad ko naman siyang inalalayan sa dextrose niya



"Ashley mag dahan dahan ka nga" sabi ko pero di naman niya ako pinakinggan, tuloy tuloy lang siya sa pag pasok sa cr saka sinara ang pinto "tigas talaga ng ulo kahit kelan"



Matapos ang ilang minuto ay lumabas na siya sa cr saka ngumiti ng napaka laki "Done sipilyo!" Sabi pa niya saka tinuro ang ngipin niya "where's my nuggets?"




Tinuro ko naman ang tiyan ko na parang sinasabeng nasa loob na nito ang nuggets "nagmumukha kana kasing nuggets, kaya kinain ko na lahat. Kanina pa kaya ako nandito" pagbibiro ko kaya yung malaki niyang ngiti ay unti unting nawala saka pinag susuntok suntok ako "A-Aray!-Huy t-teka aray!"



Back to you (AshTan Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now