Chapter 2

690 68 2
                                    

Jenson's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jenson's POV.

It's been almost two hours when I got home. 'Di kona namalayang nakatulog pala ako matapos makauwi kanina. Hinatid namin ni Romeo si Dean sa kanyang apartment at nalaman naming mag isa nga lang talaga siya doon.

Agad kong hinanap ang phone ko. Medyo natagalan akong maghanap dahil hindi talaga ako mahilig mag cellphone. Ginagamit ko lang 'to pag may kailangang school activities or projects.

"Hello?" Bungad ko sa phone call. Number lang 'to kaya 'diko alam kung sino ang kausap ko ngayon.

"What's up? Ako 'to si Dean, I called for you to save my phone number hehehe." Napangiti ako sa 'diko maipaliwanag na dahilan. Medyo iba kasi ang kanyang boses sa kabilang linya. Siguro ganon talaga.

"Ganun ba? Sige. I will save."

"May number kaba ni Romeo? Pahingi naman para matawagan ko din siya."

"O sige."

Tinext ko sa kanya ang number ni Romeo at nagpasalamat naman siya. Sa totoo lang, kaming dalawa lang talaga ni Romeo ang magkasama lagi simula't sapul dahil 'di kami komportableng makipag kaibigan sa iba. Pero si Dean naman iyon.. Masarap siyang kasama at mabait pa kaya naman hindi na ako nagreklamo nang kinaibigan sya ni Romeo. Palakaibigan talaga iyang si Romeo. Mabait at gentleman. Actually, gwapo din siya. Maraming naghahabol sa kanya tulad ko. Pero di katulad ko ay pinapansin niya lahat nang iyon. Samantalang ako ay wala ni isang pinansin.

'Di kasi ako nagkakagusto sa taong naghahabol sakin. Ang gusto ko ay kusa kong magustuhan at 'di pilit kaya naman nung makita ko yung babae kahapon sa labas ng school ay inabangan ko ito sa gate. Pero imbis na ang babaeng iyon ang makita ko ay iba ang napansin ko. Isang lalaking naka uniporme ng school na'to. Nakatitig ito sa'kin kaya naman sinamaan ko ito ng tingin. May hitsura siya, maganda ang pangangatawan, mukhang nag wo workout at teka lumapit ito sa'kin. Siya ay si Dean na 'diko alam na magiging kaklase kodin.

"Hijo, lumabas kana riyan at bumaba kana sa kusina. Kakain na." Pag aaya sakin ni Manang Celia. Agad naman akong bumangon sa kama at nag ayos ng sarili.

Paglabas ko ng kwarto ay nandun na ang pamilya kaya naman dinalian kona ang pagbaba sa hagdan at dumiretso sa kusina.

"Hi, Dad! I taught mamaya kapa uuwi, napaaga kapo yata ngayon?" tanong ko.

Madalas umuwi si Dad ng hating-gabi kaya 't laking gulat ko nang makita siya sa hapagkainan. Gayunpaman, nakakatuwa ang pangyayaring to dahil minsan lang kami mabuo sa lamesang ito.

Si Dad ay abala sa business niya gayundin si Mom. Pareho silang Business Minded kaya lagi silang wala. Si ate naman ay college students na at graduating na this year. Mass Communication ang course na kinuha niya.

WHO AM I? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon