Chapter 22

157 25 3
                                    

Dean's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dean's POV.

~THE MOST PAINFUL IS WHEN SOMEONE YOU REALLY LOVE HAVE CHOSEN TO LEAVE YOU FOR ANOTHER ONE~

"Bakit mo hinayaang gawin sa'yo yun ng lalaking 'yon?" ubos pasensya kong tanong sa kaharap na ngayo'y hindi manlang nag abalang sagutin ang tanong, kaya hinawakan ko s'ya sa magkabilaang balikat at marahang niyugyog 'yon para bumalik siya sa wisyo. "Sagutin mo'ko, Jenson.... Sagutin mo'ko.." ang emosyong kanina pa gustong kumawala sa'kin ay hindi kona naitago sa kaharap, napasubsob ako sa dibdib niya, nabasa ng mga luha ko ang balat niya, dahil nanatiling nakabukas ang white polo shirt niyang suot..

Nanatili ako sa gaanong sitwasyon, ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko ay hindi na huminto, naalala 'yong mga pinangako namin sa isa't isa na naging dahilan ngayon ng walang humpay na luha.. Ang maalala ang kaduwagang niyakap ko ng limang buwan ay lalong nakadagdag sa emosyon ko.. Pero ang kaharap ay hindi manlang nagbago ang kinikilos, nanatili itong nakatulala sa iisang lugar, at alam kong hindi siya makapaniwalang nangyayari ito ngayon, na bigla na lang akong lumitaw sa harap niya..

Walang kasing sakit, alam kong may pagkukulang ako pero hindi ko kayang makita siyang nasa ganoong sitwasyon kasama ng iba, dahil mahal ko siya, sobrang mahal ko siya.. Hindi kona lubos maisip ang problemang posibleng mangyari sa'min pagsikat ng araw bukas. Ang tangi kong gusto ngayon ay ang sumubsob sa dibdib niya at ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman.. Alam kong hindi niya ako maiintindihan ngayon. Sino ba namang maiintindihan ang 'sang tulad kong pinili ang sakripisyo kaysa sa pagmamahal ko sa kanya..

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge, at idinikit ang mukha ko sa mukha niya. "Nasa tabi mona ako mahal.. Nandito na ako...." nakangiti ngunit naluluha kong wika dito, tumitig siya sa mga mata ko at naglaban ang mga tinginan namin, pinanood ko ang pagpula ng paligid ng mata niya dahil sa nagbabadyang mga luha, maya-maya'y bumuhos 'yon sa pisnge niya, at sinapo 'yon ng pareho kong kamay. "Shhhshhh..." pagpapatahan ko dito, at hinawakan ang labi niya. "Hindi kona hahayaang malayo pa ako sa'yo, dahil nandito na ako, mahal ko.." umaasang dagdag ko, umaasang ngingiti siya, pero hindi..

"Nananaginip na naman ba ako?" nakatulala nitong tanong habang nakatitig lang sa'kin. "Kasi kung panaginip lang 'to. Ayoko na, tama na, kasi hindi kona alam ang gagawin ko." muling bumuhos ang sunod sunod na alon ng kanyang luha, para bang bumagal ang takbo ng oras at pati ang pagbagsak ng luha niya sa kamay kong nanatili sa labi niya ay naging mabagal sa mga mata ko, pinanood ko 'yong tuluyang basain ang kamay kong nakahawak sa natural na namumula niyang labi.. "Nasasakt-an na-na a-kkko ng sobraaa.. Pakiusap, tam-ma na..." garalgal nitong dagdag, bumagsak ang mga balikat, at napayuko..

"Hindi, hindi... Totoo ang lahat ng 'to mahal ko, nandito na ako sa tabi mo. Patawarin mo'ko. Mahal na mahal kita, Jenson." buong emosyon kong sinabi iyon at pinagmasdan ko siyang napadausdos pababa sa pader na sinasandalan niya, ang kaninang nakatayong Jenson sa harap ko ay nakasalampak na ngayon sa sahig, at nakayuko sa sariling tuhod..

WHO AM I? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon