google search

411 9 10
                                    

{an igai ni mango lyrics reference pfft}

{ate sakuvenki}

google search

Sheki's POV

• Sa gitna ng asul na dagat

Ang lakas ng hangin ..

Naglakad ako papalapit sa kung nasaan si Sela. Nakabakasyon kami nina Sela, Faith at Rans ngayon dito sa isang beach malapit sa bahay.

Kakauwi lang din kasi ni Sela galing Manila, dun siya nagaral sa loob ng buong highschool years niya at ngayon umuwi siya dito para magbakasyon. Kaya yung mga magulang namin pinabakasyon kaming apat dito. Kami daw muna kasi wala pa silang free time kaya next month nalang daw.

Bestfriend ko si Sela bata palang kami at sa tingin ko .. hmm

First love ko rin ata siya.

Pero syempre 'di ko sure 'yon kaya ano.. bawal din ako mag-assume.

"Waaaahh! Sela tignan mo oh! Ang laki nung pagong!!" Excited na sigaw ko, tumingin naman ako kay Sela na parang walang pake at ni hindi manlang gumalaw yung mukha habang nagph-phone.

Psh, ano bang bago, lagi naman ganyan face expressions niya.

Actually, dati hindi, palangiti 'yan e ta's makulit din, lagi nangp-prank. Pero simula nung bumalik siya galing Manila. 'Di na siya namamansin masyado.

Hinawakan ko naman yung kamay niya at hinila siya papalapit sa dagat. "Selaaaaa! Ang linaw nung tubig!" Sigaw ko at lumuhod.

Ano kayang lasa neto ..

Hinawakan ko yung tubig at tinik-

"Aaaaang alat!" Sigaw ko, rinig ko naman siyang tumawa kaya tinignan ko siya ng masama.

"Malamang maalat 'yan, tubig alat nga diba." Sabi niya at maglalakad na sana papalayo ng binasa ko siya.

'Yan napapala ng mga mayayabang!

"S .. Sheki! Nababaliw ka na ba?" Mahina niyang tanong at tinignan ako ng masama.

Hala .. ano problema neto.

"O- Oo bakit? May problema ka do'n?" Tanong ko at umiling-iling nalang siya papaosk sa loob ng units. "Ang maldita mo naman! Akala mo ang ganda mo ah!" Sigaw ko pero 'di niya manlang ako pinansin kahit isang segundo.

Ano kaya nangyari dun..

Tch.

Agad-agad naman akong pumunta sa units at nakita si Rans na naka two-piece at nakaupo sa tabi ni Faith. Si Rans mukhang abnormal dahil kinukulit niya si Faith na naglalaro ng PUBG sa phone.

"Sheki," Tawag sa'kin ni Rans at lumapit naman ako sakanila. Tinuro niya naman si Faith na nagpangiti sa'kin.

"Feito!" Sigaw ko at si Faith naman tinaas lang kamao niya habang tutok parin sa laro. "Beach vacation 'toh hindi bakasyon para maglaro hmpk." Sabi ko, tumaas naman kilay niya a-

"Aaah! Na-down tuloy ako! Do'n nga kayo, naka squad kami nila Aly, Andi at Cole e, mga epal." Sigaw niya at pinagsisipa kami.

"Down palang naman, di ka pa napapatay. Tsaka pabuhat lang naman kayo ni Cole kay Aly at Andi. Lalo ka na." Rinig kong sabi ni Rans kaya lumayo din ako agad dahil alam kong any seconds mananapak na 'tong si Faith.

mnl48 shots『二次会』Where stories live. Discover now